Prologue

13.2K 285 35
                                    



"Anjan na yung malas!!"



"Umalis ka dito!!!"



"Ang lakas ng loob mong magpakita pa at lumabas sa nakakatakot nyong bahay!!"



Kumuha ng bato ang mga mamamayan at isa isang binato ang dalagang nasa kanilang harapan. ngunit kahit na binabato sya ng mga taong bayan eh nanatili parin itong nakatayo at hindi parin umaalis sa kanyang kinatatayuan.



Napaupo ang dalaga ng tamaan ito ng malaking bato sa kanyang ulo agad naman itong nagdugo ngunit hindi ininda ng dalaga ang sugat na kanyang natamo sa halip pilit itong tumayo at tinuro ang isang ginang at tumingin ng diretso sa mata nito..

"Sa ikalawa ng mayo"



Paguumpisa ng dalaga.



"mamatay ang iyong panganay na anak" pagtutuloy nya sa sinabi nya.

"h-hindi. nagbitaw sya ng sumpa!!"

"batuhin nyo pa sya!!"

Muli ay kumuha ng bato ang mga taong bayan at sinimulan na namang batuhin ang dalagita. kahit tamaan ito ng ilang ulit ay hindi parin ito umaalis sa kanyang kinatatayuan at nanatili paring nakayuko.

Natatakpan ng mahaba nitong bang ang kanyang mga mata. may tuwid itog buhok na umaabot hanggang balakang at simpleng kasuotan lamang ang suot nito.

"N-nais ko" hindi na nito natuloy ang kanyang nais sabihin ng muli na naman itong tamaan ng malaking bato at napaupo itong muli sa lupang kanyang kinatatayuan.

"TAma na!! Tigilan nyo na ang anak ko!" galit na wila ng ina ng dalaga. ngunit hindi parin nakuntento ang mga taong bayan kung kaya pati ang ina ng dalaga ay kanila ring binato.

NAg-aalalng tinignan ng dalaga ang kanyang Ina nais sana nitong kausapin ang ina upang pigilan ang mga batong ipinupukol para sa kanya. Ngunit ngumiti lamang ang kanyang Ina at umiling.

"Umalis na kayo sa bayang ito!!"

Sigaw pa muli ng isang ginang.

Tumayo ang magina at dahang dahang tumalikod papalayo sa mga taong bayan na walang ginawa kung hindi ang alipustahin ang pagkatao ng dalaga. Ngunit bago pa sila tuluyang maka-alis ay muli hinarap ng dalaga ang mga taga nayon at sinabing:

"ANG MGA TAO SA BAYANG ITO. KAYLANMAN AY HINDI LILIGAYA. TULAD NG PANG-AALIPUSTA NINYO SA AKIN GAYUN DIN SA AKING MGA MAGULANG. KAYO AY MAGDURUSA. KASABAY NG AKING PAGLISAN SA BARYONG ITO AY SYANG PAGGUNAW NG INYONG IKINABUBUHAY!"

pagkasabi pagsabing iyon ng dalaga ay tumalikod na sila at naglakad na papalayo.

Ilang araw lang ang lumipas ay nilisan na ng magina ang baryong kanilang tinitirhan at ilang araw lang din ang nakalipas ay unti unting nasira ang mga pananim na gulay,prutas at ang mga sinasaka ng mga taong bayan. Unti unti ring nagkasakit ang mga alagang hayup sa baryo.



At tulad ng sinabi ng dalaga namatay ang panganay na anak ng ginang.

--

Edited
Salamat.

The Cursed Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon