[16] WAR [One]

4.2K 110 19
                                    

[Leaf]

"Anung ginawa mo sa kanya?" tanong ni flame kay Light.

"Dinala ko sya sa ligtas na lugar" simpleng sagot ni Light kay flame atsaka lumapit kay Mika at hinawakan ito sa dalawang kamay.

"Lalaban akong kasama ka" lumuwag ang aking paghinga ng marinig ko iyon kay Light dahil sa wakas ay pumanig na ito sa amin.

Ang problema na lamang namin ngayon ay si Princess Earth.

"Lalaban din akong kasama kayo" napangiti ako ng matamis sa sinabi ni Mika.

At doon nagpalit ng kasuotan si Mika nagkaron sya ng baluti sa katawan proteksyon sa magaganap na kaguluhan. Isang simpleng kasuotan ngunit isang napaka lakas na baluti gawa ito sa pinag samang kapangyarihan naming apat nila flame.



[Ian/Light]

Saglit na huminto si Ice bago kami umalis ginamit pala nito ang kapangyarihan nya upang lagyan nya ng harang proteksyon ang buong skwelahan pinalibutan nya ng yelo ang buong skwelahan ganun din ang ginawa ni Wind na ginamit ang kapangyarihan nya sa hangin para dagdag suporta sa ginawang harang ni Ice.

Nun tignan ko ang skwelahan namin walang kamalay malay ang buong skwelahan sa nangyayari sa labas ng school hindi nila alam na sa labas ng harang na pumuprotekta sa kanila ay isang malaking kaguluhan.

"wala kayong dapat na ipag-alala" napalingon kaming lahat kay Mika ng magsalita sya, Napaka ganda talaga nya walang dudang isa nga syang prinsesa ngunit kahit gaano pa ito kaganda.



Wala syang magagawa kapag nagkaharap na sila ni Earth lalo pa ngayon na hindi pa sila iisa ni Miko.

Ang totoo hindi ko din alam na sya at si miko ay iisa ng katauhan dahil nun nasa aming mundo pa kaming lahat hindi ko alam na ganoon ang sitwasyon ni Mika.

Marahil ay hindi rin ito pina-alam ng mahal na hari kung kaya ganoon na lamang ito ka strikto pagdating kay mika noon.

"anung balak mong gawin?" tanong ni leaf kay mika. ngumiti lamang si mika bilang sagot at itinaas ang dalawang kamay nya.

Nagulat ako ng makita na lahat ng bahay sa buong lungsod ay may harang na at may proteksyon hindi ko alam na may ganoon pala itong kapangyarihan? buong lungsod ay may harang. walang tumatamang kidlat dahil nahaharang ito ng kapangyarihan ni mika.

*cough*

"Mika!" halos lumuwa din ang mata ko ng makitang umubo ng dugo si Mika kaylan pa ito nagkaron ng sakit?

"wag nyo akong alalahanin hanggat kaya ko proprotektahan ko ang lungsod na ito. Andito na sya" diretso lamang ang tingin ni Mika at nun sundan namin kung saan ito nakatingin.

"Magandang umaga. Handa naba kayong mamatay?" isang nakakatakot na ngiti ang aming nasilayan.

"Kay tagal nating hindi nagkita KAPATID ko" sa isang kurap ay nawala sa aming harapan si Earth.

"B-bitawan m-mo a-ako" nun makita namin si Mika hawak na sya sa leeg ni Earth ni hindi nito magawang lumaban eto ba ang epekto ng paghihiwalay nyo ng katawan ni Miko?

"Bitawan mo sya!" ginamit ko ang aking kapangyarihan at tinawag ang kidlat upang tulungan si Mika ngunit sa halip na si Earth ang tamaan nito ay bumalik ito sa akin.



Kahit naharangan ko ang pagbalik sa akin ng sarili kong kidlat ay tumilapon parin ako.

Ng tignan ko si earth hawak parin nya sa leeg si Mika kanya kanya ng sugod sila leaf.



---

[3rd person]

sumugod si Leaf kay earth kasabay nya si Wind. ginamitan ni leaf ng kapangyarihan si Earth at gumawa ng sanga upang mapagilan ang pag-galaw ni earth samantalang si Wind naman ginamit ang kapangyarihan nya at kinulong si Earth sa loob ng bilog na harang upang hindi ito makahinga.

Ngunit hindi sila nagtagumpay walang ano ano ay natangal ni Earth ang naka-kapit na sanga sa kanya at nakawala ito sa ginawang harang ni Wind.

"Iyon lang ba ang kaya nyong gawin?" nakangising sabi ni Earth na sa isang iglap ay bumalik kila leaf at wind ang ginawa nilang pagsugod kay Earth.

Muli ay kumulog na naman at kumidlat may kasama pang pagyanig ng lupa. kitang kita nila ang pagyanig ng mula sa lungsod mula sa himpapawid.

Kitang kita nila na nagkaka gulo ang mga tao marahil ay nawala ang harang na kanilang ginawa ng sakalin ni earth si mika.

"Bakit mo ba ito ginagawa?" tanong ni mika hawak na ngayon ni mika ang kanyang espada gawa rin ito sa apat na elemento, gawa ito sa kapangyarihan nila leaf.

"Bakit hindi mo alam? hindi ba at kaya mong basahin ang hinaharap?" sa pagkakataong ito ay nilabas nadin ni earth ang kanyang espada handa na sanang sugurin nila leaf si Earth ng biglang nagliwanag ang buong paligid at doon lumabas ang limang taga sunod ni Earth.

"Wala akong panahon sa mahihinang tulad nyo" isa isang naglapitan ang mga taga sunod ni earth kila leaf may kanya kanya silang kalaban at tyak na malalakas din ang mga ito.

"Tayo ang magtutuos ngayon kapatid ko"





--- To be continue :D

The Cursed Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon