Chapter 6: We Meet Again

Magsimula sa umpisa
                                    

I feel rejected ng itatwa nyang kilala nya ako. Nasaktan ako.

Umalis ako sa daungang iyon ng may luhang nangingilid sa aking mga mata.

Umiyak ako maghapon sa loob ng maliit kong tirahan. Ngayon lang kasi ako na-reject ng ganun.

Kahit pa ako naman ang naunang nagputol ng koneksyon namin sa pagtapon ko ng sim card ko. Masakit pa din 'yung ginawa nya e. Kasi akala ko, mabait syang tao. Akala ko pa naman...iba sya sa karamihan. ;(

Hindi ko na namalayan na sumapit na ang gabi at nagdaan na rin ang madaling-araw.

Naligo ako at nagbihis ng simpleng kasuotan katulad ng sa mga taga-rito. Lumang mga damit, pero maayos naman. Nagsuot ako ng sumbrebro para takipan ang aking mukha, kahit pa parang hindi naman nila ako makikilala dahil hindi naman uso ang tv dito.

Mamimili kasi ako sa palengke. Hindi talaga sya palengke, maliit kasi, parang kumpol ng mga tindahan lang. Medyo may kalayuan din.

Naglalakad ako papunta doon ng makasalubong ko na naman si ano...'yung nagpaiyak sakin magdamag! Tumungo na lang ako at umiwas ng tingin, pero nakita ko pa din na nag-smirk sya sa akin.

Parang may tumutusok sa dibdib ko. Masakit. Pakiramdam ko kasi...galit sya sa akin. At na-reject na naman ako.

Tumigil ako sa paglalakad..."A-Alle..."

"ALLEN!" isang malakas na pagtawag ang lumamon sa mahina kong pagbanggit sa pangalan nya.

Isang babae morena ang patakbong lumapit at ipinulupot ang kanyang braso sa braso si Allen. Maganda rin naman sya kung susuriin. Pero...hindi sila bagay. Masyadong gwapo si Allen para sa kanya.

Damn! I'm being a bitch again! I bit my lips and stupidly run away from them.

Nakapamili na ako at nasa kalagitnaan na ng paglalakbay ko pauwi, ng walang anu-ano ay bumuhos ang malakas ulan.

Ang layo ko pa sa bahay ko! At wala rin akong dalang payong! Hindi din naman kasi uso ang payong rito.

Sumilong ako sa isang puno. Parang gubat kasi dito. Sadyang malayong-malayo ang itsura sa kabihasnan. Bihira ang bahay. Simple ang pamumuhay. Malapit sa ilog. Gubat pa!

'Yung iba, ang ginagamit na payong ay 'yung malaking dahon. San kaya nila nakukuha 'yun?

Hindi pa man nagtatagal ang pag-ulan, basang-basa na ako! Tumakbo na lang kaya ako pauwi? Tama! Tutal parang naligo na rin naman ako sa ulan sa itsura ko ngayon. ;)

Hindi pa man ako nakalalayo...napigtal 'yung strap ng tsinelas ko kaya nadulas ako. Grabe! May imamalas pa ba naman ako ngayon?

Kakatanong ko pa lang...minalas na nga ako! Hindi ako makalakad! Na-sprain pa ata ang paa ko?! Sinubukan kong tumalon not bearing any weight sa sprained ankle ko, pero nadudulas lang ako pasubsob sa putikang daan!

Pano na kaya ako uuwi nito? Gagapang?

At ayun na nga lang ang ginawa ko--ang gumapang. No choice e. Kaso ang hirap! Putik na yung mga kamay ko, nasugatan pa dahil sa maliit na bato! Gusto ko nang umiyak but it won't do me any good.

F*ck my luck!

Humiga na lang ako dun sa daan. Hihintayin ko na lang si kamatayan. Tutal dun din naman ang punta ko...

Headline: Dating Pop-Star Sulli Choi, Namatay sa Gitna ng Kagubatan!

"Hahaha! That's pathetic!" parang tanga kong pinagtawanan ang sarili ko.

Naka-tingala ako nun sa langit e, nang may mukhang tumakip sa view ko. "Bakit ka nakahiga dyan?" Usisa nya.

Bumangon ako. At kinusot ang mata kong nanlalabo.

Diary of My Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon