Chapter Four

237K 4K 157
                                    

"Mama Rosi, si kuya?" naabutan ko siyang naghuhugas ng plato sa kusina.

Si Mama Rosi ay ang nag-alaga samin since mga bata pa kami. Mabait siya at maalagain kaya naman napalapit na ang loob ko sakanya.

"Ang kuya mo? Umalis na. Wala ka na daw kasi atang balak pumasok eh." sagot siya habang patuloy parin sa paghuhugas.

Tss. Nakakainis si Kuya. Hindi ba niya alam na may phobia na ako sa pagdri-drive? Feeling ko kasi makakabangga na naman ako. 

Ano pa bang magagawa ko? Maglalakad. Darn.

"Mag-almusal ka muna Avery." alok sakin ni Mama Rosi.

"Hindi na po. Babawi nalang ako sa break. Malalate na po ako eh." at nagmamadali na akong lumabas.

Siguradong aabutin ako ng 20 minutes sa paglalakad. Exercise din ito.

Naglalakad na ako sa sidewalk ng maramdaman kong may sumusunod sakin. Tumingin ako sa paligid pero wala naman.

Ano kayang mangyayari sakin today? Calvin didn't showed up yesterday but i'm sure this time he will. At naconfirm niya na sakin iyon kagabi. Hay.

"Good morning beautiful." sabi ng isang malaking boses. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang isang lalaking matangkad at may malaking katawan.

"Uh, good morning?" I replied. Kailan pa nauso ang batian sa isang estranghero?

"So ikaw iyon." Tinitignan niya akong mabuti saka ngumiti. "Hindi ko akalaing napakaganda ng babaeng sinisinta ni Calvin. Nagtataka lang ako kung bakit hindi mo siya kasama."

What. The. Hell. Paano niya nalaman na, ehem, girlfriend na ako ni Calvin? Siguro magkaibigan sila kaya naidaldal ni Raven. Asar.

"Uh, hindi ko pa siya nakikita mula kahapon. Kaibigan ka ba niya?" tanong ko. The hell, malalate ako nito eh.

Tumawa siya ng mahina. "Oo. Halika sumama ka sakin. May kailangan tayong puntahan."

"Hindi pwede eh. May pasok ako. Pakisabi nalang kay Calvin na tsaka nalang niya ako utusan kapag may free time ako." siguradong sugo siya ni Calvin.

"Hindi maaari. Kailangan mong sumama sakin." hinawakan niya ang kanang braso ko ng mahigpit. Nakaramdam agad ako ng takot.

My Mafia Prince Boyfriend [Completed]Where stories live. Discover now