Chapter Fifteen

177K 2.7K 80
                                    

No Proofreading.

"Ano 'to?" Nakakunot noong tanong ko kay Diane.

"Isuot niyo daw po iyan sabi ni Master Calvin."

"Bakit? May okasyon ba?" Pagsusuotin niya ako ng cream colored dress ngayong gabi? Where are we going?

"Hindi po madam. Magdidinner po kayo kasabay si Master Cain." Parang may halong takot pa yung pagkakabanggit niya sa Cain.

Matapos niyang papasukin ako kanina ngayon ipapakilala niya ako? Feeling ko nga ikinahiya niya ako kanina kasi hindi niya manlang ako ipinakilala sa bisita or kamag-anak niya kasi magkamukha sila eh. Wala tuloy akong ginawa dito sa kwarto kundi ang magcomputer at makinig sa iPod ko.

"Who's Cain by the way?" I asked.

"Siya po ang nakatatandang kapatid ni Master Calvin."

I see. That's why magkamukha sila. So tatlo silang magkakapatid.

"What's Cain like?" Para naman ready ako mamaya kung makakaharap ko siya sa hapag kainan.

Nalukot ang mukha ni Diane. "Kung sa tingin niyo po ay masama si Master Calvin ay nagkakamali kayo. Mabait po si Master Calvin samantalang ang kapatid niya ay kabaliktaran."

Mabait? Talaga lang ha. Base sa itsura ni Diane ay hindi talaga kaaya-aya ang ugali ni Cain.

We'll see later...

"Dito po tayo madam." Dinala ako ni Diane sa dining room.

My Mafia Prince Boyfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon