Chapter Forty-Six

131K 2.2K 237
                                    

No Proofreading.

"Well, it depends wether you want to go back or not..."

"Uhm, I don't think so..."

"Zac Efron is hot."

"No."

Napag-isip-isip ko last night kung babalik pa ako sa school o hindi. I asked Dad at ipinaubaya niya sakin ang pagdedesisyon, si Kuya naman parang wala ata sa sarili dahil hindi sigurado sa sagot, si Anne at Shannie naman napakawalang kwenta! Anong kinalaman ni Zac Efron dito? At ang huli ay si Calvin na sinagot ako ng tumataginting na hindi.

"Why not?" Tanong ko.

"Because I said no. I will hire a tutor for you but you're not going back anymore," Busy siya sa pagbubusisi ng mga papeles. Nasa office niya kami at nakaupo lang ako sa lamesa niya.

"But I miss school..."

Ibinaba niya ang kanyang mga hawak at tumingin sakin. He sighed. "We can talk about that later but please not right now," He seemed stressed. Ilang araw na din siyang madaming ginagawa. Bakit ba kasi kailangan pa nilang magkaroon ng mafia.

Tumango nalang ako. Lumapit naman siya sakin at pumwesto sa pagitan ng mga binti ko. I'm wearing jeans naman kaya okay lang.

"If you want you can go downstairs and find something to eat. At nandoon din si Diane."

"Okay." Sagot ko. He kissed my forehead then went back to what he is doing.

Kunwari pa siya, alam ko namang nakakadistract ako sa kanya kaya pinapaalis niya ako.

Pababa na ako ng hagdan nang may nagtext sakin.

Can I talk to you? Alone?

-Mitch

Wow naman! Kapal ng face nung bruha! Nakalimutan niya na bang muntik na akong mamatay nang dahil sa kanya?

Anlakas ng loob niya! At sino naman ang nagsabi na makikipagkita ako sa kanya? HAHAHAHA malabo!

---

"Anong pakay mo sakin?" I snapped at her.

"Chill girl. Para ka namang mangangain sa itsura mong iyan," Mitch mocked at me.

Eh loko pala siya! Buti nga at nagpunta pa ako dito. Kundi lang talaga umiral yung kabutihang loob ko.

Yes! Oo! Kabutihang loob!

"Walang kwenta pala yung sasabihin mo," Akmang tatayo na ako nang pigilan ako ni Mitch.

"Please, please just hear me first," she pleaded.

I sighed. Umupo nalang ulit ako.

Lord please gantimpalan mo ako ng malaking pasensya..

"Ano ba yung kailangan nating pag-usapan?" Tanong ko sa kanya.

"Well, I am uh..."

"Ano?" Tanong ko ulit. Di niya masabi yung sasabihin niya.

"Ijustwantotellyouthatimsorry,"

Ambilis niyang magsalita. May sakit ba siya at di siya makapagpronounce ng maayos?

"I'm sorry I didn't catch what you're saying," I said truthfully.

She sighed. Parang kinakalma niya ang sarili na wag magalit sakin. "I just want to say that I'm sorry."

Woah. Totoo ba ito?

Mitch is saying sorry to me! The end is near na ba? Kailangan itong magtrend worldwide sa twitter!

My Mafia Prince Boyfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon