Chapter Thirty-Three

141K 2.2K 139
                                    

Dedicated to her. Salamat sa mahabang message!

Yung picture sa side, yan yung costume ni real life Calvin (Sean O'Pry) nung Halloween! I was like, 'yung totoo, gusto mo talagang maging Calvin ano?' LOL.

So yeah, Enjoy!

No Proofreading.

"Are you fucking kidding me?!" Calvin spat at my brother. Pati siya ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Kuya.

Kumunot ang noo ni Liam. "Do I look like I'm kidding? I'm being fucking goddamn serious in here!" Galit na sagot niya.

Seriously, nagiging sakit na talaga sila sa ulo. "Please, shut up both of you. Parehas kayong mainit ang ulo. Pwede bang kumalma muna kayo?!" Inis na wika ko sa kanila.

Mukha namang natauhan sila at parehas na hindi nagsalita. Yan, matuto kayong sumunod pag minsan.

"Now, my dear brother, paki-explain kung ano yang sinasabi mo." Wika ko kay Kuya at saka bumaling kay Calvin. "At ikaw naman, wag kang magsasalita hangga't hindi kailangan."

Nalukot na naman ang mukha niya. Magsasalita pa sana siya ng pigilan ko. "Please, okay?"

He just nodded. Ang galing ko talaga.

"Okay, let me explain." Liam cleared his throat. May ganung effect pa talaga? "Habang nasa school ako at nasa work si Dad, umalis si Mom with her friend, Catherine. At iyon, nangyari na nga ang krimen. Akala namin ay dalawa lang silang naging biktima. When we went home, we noticed that you're gone. Doon lang namin narealize na kasama ka ni Mom. Noong araw din yon, hinanap ka namin kung saan-saan. Halos tumalon kami sa tuwa ng makita ka namin sa isang dalampasigan. We took you to a hospital. Three days kang tulog and when you woke up, you don't remember us anymore." Malungkot na wika niya.

Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa sarili ko o ano..

Liam continued. "Hindi kami nawalan ng pag-asa. Alam naming balang-araw ay maaalala mo rin ang nangyari."

I sobbed. "Sorry. S-sorry I can't remember anything."

He went to hug me. "It's not your fault. Everything's going to be okay." Sabi niya habang hinihimas ang likod ko.

Biglang tumunog ang phone ni Calvin. "Excuse me." Lumayo muna siya para sagutin ito.

Kumalas ng yakap sakin si Kuya. "Tandaan mo Avery, walang dapat makaalam na nakakaalala ka na maliban sa ating tatlo. Maaaring malagay ka sa peligro kapag may nakaalam nito." Mahinang wika niya habang nakahawak ang kanyang kamay sa aking magkabilang balikat.

"But w-why?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ba dapat magcelebrate?

"Kaming dalawa lang ni Dad ang nakakaalam na nakaligtas ka. We did it on purpose. Nararamdaman ko kasing nasa paligid lang ang tunay na salarin. Kapag nalaman nila iyon, maaari ka nilang patayin para wag nang makapagsalita pa." Seryosong wika niya.

My Mafia Prince Boyfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon