Chapter Twenty-Four

160K 2.6K 159
                                    

This story will be edited once it was finished. So sorry sa grammars and spelling mistakes. Sometimes kasi nalilito din ako. Anywys, Enjoy! Happy 90K sa MMPB!

No Proofreading.

"Calm down, Calvin." I said to him and I tapped his shoulder. Kanina pa madilim ang kanyang mga mata. Parang bawat segundong lumilipas ay lalo siyang nawawalan ng kontrol.

"How can a fucking calm down if my mate is in danger?! Huh Liam?! How?!" Galit niyang wika.

"All we have to do is wait. My sister is strong. Malalampasan niya ito." Paniniguro ko sa kanya. Naniniwala akong makakaya ito ni Avery. Hindi pwedeng hindi niya kayanin ito.

Natahimik naman siya sa sinabi ko. Naglakad siya ng kaunti. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Ang kanyang nga kamay ay nakakuyom. "They will pay for this. I will kill them. All of them. They will suffer." Mahina at malamig niyang wika. Alam kong tototohanin niya iyon. Dahil sa nangyaring ito, siguradong mabubuhay na naman ang demonyong nagtatago sa katawan ni Calvin. Maging ako rin ay galit na galit sa mga pangyayari. Napakainosente ng kapatid ko para idamay nila. Ang mga duwag na iyon... Papatayin ko sila.

"We will help you." Wika ni Reid. Kasama namin silang naghihintay sa labas ng ICU ngayon. Ang mga Galperines at ang mga mates namin.

"Bakit ba kailangan nila itong gawin kay Avery?" Umiiyak na wika ni Anne. Yakap-yakap siya ni Mico. Nilibot ko ang aking tingin. Lahat ng babae ay namumugto ang mata.

"Shh. Avery is gonna be fine." Pang-aalo ni Mico sa kanya.

Naputol ang aming pag-uusap ng may lumabas na nurse galing sa ICU.

Nilapitan ito ni Shannie. "Nurse, kamusta na ang kaibigan ko?"

Tinanggal ng nurse ang mask na nakalagay sa bibig niya. "Hindi po ako nakakasigurado. Basta nung paglabas ko po ay narinig kong hindi na humihinga ang pasyente." Wika nito at umalis na.

Lahat kami ay nagulat ng sinuntok ni Calvin ang pader. Malakas ang tunog na nilikha noon at nabutas ito.

Hindi na maganda ang nangyayari..

My Mafia Prince Boyfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon