Chapter Five

218K 3.4K 82
                                    

"Madam? Princess?"

Muntik na akong mapatalon ng buksan ang pintuan katabi ko.

"Pasyensiya na po Madam kung nagulat ko kayo. Mukha kasing malalim ang iniisip niyo eh." Sabi nung driver ng kotse. Tinignan ko ang mukha niya. He looks young. I think he's twenty or plus. He has good looks which is hindi ko nakita kanina dahil nasa driver's seat na agad siya at lumilipad ang isip ko. Kasalanan 'to nung lalaking yun eh. Kung anu-ano tuloy naiisip ko.

"It's alright. What's your name by the way?" tanong ko habang sinuri parin siya. He's cute.

He smiled. "I'm Heinz. From now on I'll be your personal driver and body guard."

"What? What do you mean you'll be my bodyguard? Papasok ka rin sa school?" naguguluhang tanong ko.

"No. I'll be watching you. At meron din ibang nagbabantay sayo sa loob ng school kahit hindi mo sila nakikita."

Tss nakakainis naman ito. Sa lahat pa naman ng ayoko ay yung may nagbabantay sakin.

He's really cute. Sa mukha niyang iyan pwede na siyang magmodel pero bakit naman pagbobodyguard pa ang pinasok niya tsaka hello? Ang bata pa niya. "Bakit pagbobodyguard ang pinasok mo? You know, with your looks, you can be a model."

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Masaya at proud ako sa tungkulin ko." Masaya niyang tugon.

He's cute...  and stupid. "Ah okay?" nakangiwing sagot ko. "Papasok na ako. Baka mabasbasan pa ako ng sermon pagnalate ako."

"Just call me if you need help or a drive home. Nasa contacts mo na ang number ko." Bago pa ako makapagtanong kung paano napunta sa contacts ko ang number niya ay nakasakay na agad siya sa kotse at nagdridrive. What? Bakit ang bibilis nilang kumilos?

I shook my head and started to go to my first class. Hindi man ako sermunan ni Ms. Natividad, siguradong si Anne at Shannie ang gagawa nun. Hay.

"Anong nangyari sayo kahapon?" tanong agad ni Anne pagkaupong pagkaupo palang namin. Kakabili lang naming ng lunch. Lasagna, pizza, fries and soda for me. Kanina pagpasok ko palang ng room agad na silang sumugod sakin, yeah we're classmates in many subjects, sa dalawang subjects lang kami magkakahiwalay. Thank God pumasok na yung teacher namin kaya naman hindi na nila naumpisahan mang-intriga pero ngayon mangyayari na.

"Sumama ang pakiramdam ko eh." Pagsisinungaling ko. Nagsimula na akong kumagat sa pizza.

"Talaga lang? Sa pagkakaalam ko wala si Calvin kahapon eh. Wanna explain?" Wika ni Shannie. Daig pa ng mga ito si Detective Conan.

"Huh? Baka sumama din ang pakiramdam niya?" patay malisyang sagot ko.

"Tell us the truth Avery. Kaya ka ba nawala kahapon eh.." huminto si Anne sa pagsasalita at pabulong na sinabi ang kasunod. "Nagmake out kayo ni Calvin?"

Muntik ko nang maibuga yung kinakain ko. "What? Anong pumasok sa utak mo at naisip mo yan?!"

"Duh alangan namang inaya ka niyang magdate? Calvin is not like that. He just want to get in any woman's pants. No feelings, no attachments. He's a real jerk. Well hindi ko naman siya masisisi, he's really hot. Like so hot." Napahinto ako sa sinabi ni Anne. Bakit parang may naramdaman akong sakit?

"Hindi kami magkasama kahapon. Sumama lang talaga ang pakiramdam ko." Pagdedeklara ko na may kasamang don't-ask-again-because-it's-the-truth tone.

"Okay. Sabi mo eh." Kibit balikat na sabi ng dalawa.

"Hi girls."

Kinurap ko ulit ang mata ko. Totoo ba ito o naapektuhan na yung utak sa mga nangyayari sakin recently.

And viola! I'm not dreaming. They're here joining us with our table. Naramdaman ko naming shocked din yung dalawa ko pang kasama.

"Pwede bang makisabay ng lunch?" tanong ni Reid. Yes.The one and only Reid Villareal. At hindi lang siya, kasama niya si Mico at si Grey.

"Uh- sure." Nagsta-stammer na sagot ni Shannie. Nginitian naman siya ni Reid. Nagblush naman ang bruha. Nagsiupuan na sila.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko. I'm sure pakana ito ni Calvin. Sila ba ang sinasabi niyang bantay ko?

"Nothing. Gusto lang naming makishare ng table." Nakangiting wika ni Mico. Talaga lang.

Tumingin ako sa paligid. Maraming tao na ang nakatingin samin especially girls. I'm sure kakalat talaga ito. Three unpopular girls sharing a table with three oh so popular and hot guys.

"Oh sure." I replied sarcastically. I hope they'll understand.

"Hindi na naming itatanggi pa. Andito kami para bantayan ka habang wala pa si Calvin." Seryosong sagot ni Grey. Tsk parehas silang suplado ni Calvin. Magsama sila.

Naguguluhang tinignan naman ako nila Anne at Shannie. Agad kong narealize yung sinabi ni Grey. Lagot na.

"He means kailangan nila akong bantayan dahil baka takasan ko si Calvin. You know." Sana naman bumenta ito.

"Oo yun ang ibig sabihin ko." Pagsang-ayon ni Grey. Good.

Tumango naman yung dalawa. Hay salamat.

Natapos naman ang lunch at ang klase namin ng walang nangyayaring kakaiba. We're now in the locker room, kinukuha ang dapat kuhanin at iniiwan ang dapat iwan.

"Omg hindi parin ako makaget-over. 3 men of the Galperines just talked to us! Hindi ba kamangha-mangha iyon? Sana magtuloy na ito." Kinikilig at excited na wika ni Shannie. Kulang nalang maihi siya eh.

"Sinabi mo pa. Nararamdaman kong aayain akong magdate ni Mico. Coming soon ang peg niya!" kinikilig din na sang-ayon ni Anne. In fairness ha kinilig si Anne. Akala ko forever nang walang emosyon yang babaeng yan eh.

I rolled my eyes. Tinignan ko ang aking cellphone nang magbeep ito.

Ready to go home?

I looked at the sender. It's Heinz.

Yes. Be there in 5 minutes.

"Okay two whores mauna na ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

Sumama ang tingin nila sakin. "Bye Avery nun ." I smirked at them and walked away.

Dumadami na ata ang mga himalang nangyayari ngayon. Calvin telling me those things and Galperines talking to us.

Ano pa kayang mangyayari sa susunod?

---

Heinz on the side.

At dahil kailangang bumawi iuupload ko na ang chapter Six!

My Mafia Prince Boyfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon