Chapter Thirty-Four

122K 2K 50
                                    

Excuse the mistakes. No Proofreading done.

“Our lesson is about improving your senses. Dapat ay natutunan mo ito nang naging bampira ka. Sadly, maraming naging problema kaya naunsyami ito. But now, you need to activate your skills. First, your sight.” He pointed the right side of the forest. “Anong nakikita mo sa bandang iyon?”

Tinanong pa talaga niya ako ha! “Edi puno? Halaman? Insekto?” Seriously, nasa gubat nga kami diba?

Umiling-iling siya. “Nakikita mo ba ang magandang paru-paro na nakikita ko?”

Tinignan ko ulit na mabuti ang bandang iyon. Wala talaga. “Wala naman akong nakikita ah.”

“You need to concentrate. Close your eyes first.” Malumanay na wika ni Kuya. Sinunod ko naman ang sinabi niya.

“Inhale.”

“Exhale.”

“Now, I want you open your eyes.”

Binuksan ko ang aking mga mata. “Focus Avery. Magfocus ka sa gusto mong makita.”

Sinunod ko ang mga sinabi niya. Focus.. Focus..

“Concentrate. You need to concentrate.”

Concentrate.. Concentrate..

Biglang lumalabo ang paligid. Parang naglalakbay ang aking mga mata.. Tumatakbo ito ng mabilis.. Napakabilis..

Then pop! I saw a beautiful butterfly.

“Nakita mo ba?” tanong ni Liam.

I smiled. “Yes! It was a colorful butterfly! This is awesome!” I almost jumped in happiness.

Napangiti siya. “Now, let’s try your hearing. Do the same thing again Avery.”

Excited akong pumikit. Focus.. Concentrate.. Focus..

 Ang tanging narinig ko lang ay katahimikan..

Katahimikan..

Nagulat ako ng biglang isang nakabibinging ingay ang aking narinig.

Naramdaman ko ang pag-alalay sakin ni Kuya. “It’s alright. Ganyan talaga kapag sa una.”

Nagsimula nang sumakit ang ulo ko. Bakit sa paningin madali lang?

I still tried to focus.. Relax.. Concentrate..

Unti-unting lumilinaw ang aking naririnig..

My Mafia Prince Boyfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon