Kabanata 6

1.1M 29.2K 11.7K
                                    

Kabanata 6

Sabay Tumawa

Paeffect pa tong si Troy. Anong gagawin namin sa suite niya? Mamaya na nga lang. Mag tatrabaho muna ako. Nagtrabaho ako na parang house elf sa Le Marcelle. I'm sure pumuputi na ang mga mata ni Troy ngayon sa kaka antay sakin. Iniisip ko palang tuwang tuwa na ako! Nakakasaya sa puso.

Alas singko na nang bigla kong naisipang lumapit sa left wing, kung nasaan ang trono niya.

"TRISHA!" Narinig kong sigaw niya.

"Uy! Troy! Ikaw pala..." Pinipigilan ko ang tawa ko. "Kamusta? Lalo yatang tumitingkad ang kagwapuhan mo ah?"

Halos magsiputukan ang mga veins niya sa ulo habang tinitignan ako. I swear, may nakita pa akong usok sa ilong niya.

"ANONG BA'T ANG TAGAL MO?" Ginulo niya ang buhok niya.

"Baket?" Umirap ako.

"LIKA NA NGA!" Sabay hila niya sakin papasok sa suite niya. "Alam mo bang ilang oras akong naghintay? Tsss! Ikaw na nga itong tutulungan... kaw pa ang nag iinarte diyan!"

Tinapon niya ako sa sofa ng sala niya. Napakurap-kurap ako. Sa mukha niya parang may gagawin siyang makamundo sakin kahit galit eh. Talaga? O masyado lang akong manyak?

Kumunot ang noo niya at humalukipkip.

"Apat na oras, Trish. Apat na oras mo akong pinaghintay! Alam mo bang wala pang taong nakakagawa sakin niyan?" Tanong niya.

"Ay! Ako pala nauna? Congrats to me-"

"BALIW KA TALAGA! FREAK! Damn, girl!" Ginulo niya ang buhok niya at umupo sa tabi ko.

"Ano ba kasi yang offer mo at nagtiis ka sa paghihintay sakin?" Tanong ko.

Ilang sandali pa bago siya bumaling ulit sakin. Nang nakuha ko na ang atensyon niya, nakangisi na siya na parang may masamang binabalak.

"Gusto mo si Jayden diba?"

Uminit ang pisngi ko. Hindi ako makatingin sa kanya kaya mas lalo siyang ngumisi. Kinagat niya ang labi niya at kinurot ang pisngi ko.

"Gusto mo siya."

Napatingin ulit ako sa kanya.

"Ano naman sayo?" Tanong ko.

Umiling siya at napabuntong-hininga, "Bakit? Ang pangit ng singkit na yun. At isa pa... matanda na siya. Hindi ko maintindihan."

Sarap sapakin! Makapanlait 'to parang gwapo... pero gwapo nga siya... pero di yun dahilan para manlait sa gwapong si Sir Jayden, "HEXCUSE ME lang ah? Pero hindi siya singkit! At hindi siya matanda!"

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon