Chapter 16

7.4K 180 17
                                    

NAKAKUNOT noo siya nang bumalik siya sa site dala ang mango shake niya. Gago yun ah.. But he called me Ken Ken? Nanlaki ang mga mata niya. Don't tell me that pervert is..

"Ken Ken!" nakangiting inakbayan siya nito.

She pulled away from him. "Ano ba?! Nakakainis ka na!" she glared at him.

He made a kissy face. "Badtrip ka na? Kiss mo na lang ako."

She grabbed his collar and glared at him. "Tigilan mo na nga akong kutunglupa ka?! Why did you kiss me in the first place?!"

Natigilan ito. Lumamlam ang mga mata nito. "Because I missed you, Ken Ken." he caressed her face gently with a smile.

It was her turn to be speechless. "Who are you? Tell me your name.."

Hinalikan siya nito sa noo. "Fabrice, my lady."

She gasped loudly. "No way!"

Natawa ito. "It really is me, baby. I missed you. Ang laki mo na." nakatingin ito sa dibdib niya.

Malakas na binatukan niya ito. "Gago! Malaki na talaga ako. Eyes on my face, bigas."

He chuckled. "Can't help it. Can I touch it again?"

She glared at him. "Damn you!" she crossed her arms on her chest.

"Naveen!" tawag sa kanya ni Damien.

"Problema mo?" inis na binalingan niya ito.

He sighed. "Sorry kanina. Please, wag ka nang magtampo. We'll sleep together later. Just please come home with me." he pleaded.

Inirapan niya ito. Fabrice cupped her butt and smirked at Damien. Binatukan niya ito. "Ano ba?! Sasapakin na kita kanina ka pa?!"

Nakita niyang napatiim bagang si Damien. Nilapitan nito si Fabrice at hinawakan sa kwelyo nang mahigpit. Malakas na isinandal nito sa pader si Fabrice. "Touch her again and I'll show you the underworld." galit na wika nito.

Hinawakan niya sa braso si Damien. "Bitawan mo ako, Naveen. Dudurugin ko ang mukha niya."

"Gawin mo. Ako ang kakampihan ni NAVEEN. Matagal niya na akong kilala kaysa sa'yo." ngising wika ni Fabrice. "Nahalikan ko na siya at nahawakan ko na ang dibdib at pwet niya. Ikaw?" nakakalokong nakipagtagisan pa ito ng tingin kay Damien.

"Fabrice!" saway niya rito.

Binalingan siya ni Fabrice. "Totoo naman diba? Aagawin kita sa kanya, Naveen. Kung hindi ka niya mapapaligaya sa akin ka na lang." seryosong wika nito.

Naramdaman siguro ng mga staff ang tensyon sa paligid nila. "Tigilan mo na to, Fabrice. Hindi ka na nakakatuwa."

Umiling ito. "Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako sa'yo, Ken Ken. Kung sino man tong hinayupak na ito." binalingan nito si Damien at matalim na sinulyapan. "Aagawin kita sa kanya. Ikaw lang ang pakakasalan ko, Kenna Naveen. At seryoso ako dun."

She sighed. "Punyeta talaga. Bahala kayong dalawa magbasagan ng mukha. Ayoko ng sakit ng ulo." tumalikod na siya at agad naman na tinawag siya ng photographer.

"NAVEEN, who is he?" nakakunot noong tanong ni Damien.

"He's Fabrice. My childhood friend." she shrugged and continued to sip on her melted mango shake.

"Nahawakan na niya ang dibdib at pwet mo?!" galit na wika nito.

"He did it earlier. He kissed me and touched my boobs." she sighed heavily.

Galit na hinawakan nito ang kamay niya. "Hinayaan mo naman siya?!"

Napakunot noo siya. "Gago ka ba?!" nagsimula nang uminit ang ulo niya.

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon