Chapter 7

9.6K 269 4
                                    

"JOHN?" tanong niya rito. Nakita niyang lumungkot ang ekspresyon nito. Ito kaya ang lalaking minahal niya? Baka naman kaibigan.. Eh bakit nagselos ka bigla? Shut up, heart!

She sighed heavily and put her burger down. "He's a very charming lad. He always wears a wide smile on his face. Kahit na may pinagdadaanan siya.. he's always smiling. He's a very deep child. He asked me why I wasn't smiling at my photos." mapait na tumawa ito. "Kahit mga magulang ko hindi ako tinatanong kung bakit.. pero napaisip ako sa tinanong niya. Bakit nga ba? Bakit hindi? Kaya ko naman.. pero naisip ko.. baka kasi makita nila na hindi totoo ang mga ngiti ko.. kung ipipilit ko.. hindi nila mararamdaman na masaya ako kapag tiningnan nila ang pictures ko. Maybe that's why I remained not smiling. Ayokong makita nila na nalulungkot ako.. kasi alam kong may mga masasaktan. I said to him na.. I think not smiling at pictures makes me more cooler. Pero ang sabi niya he thinks that I'll be much more cooler and prettier If I smile." pagak na tumawa ito. "That kid.." malalim na napabuntung-hininga ito. Marahang pinunasan din nito ang mga naglandas na luha sa mga mata nito. "He said that I have a beautiful heart. He thanked me.. kahit wala naman akong nagawa para sa kanya.. para pahabain ang buhay niya. Wala. Sabi niya pa.. 'Be more beautiful.. smile at the photos for me.' I made a promise, Damien.. pero hindi ko magawang ngumiti." tuluyan nang umiyak ito. "Paano ako ngingiti? Nawalan nanaman ako ng dahilan para ngumiti.. wala na si John, Damien."

Niyakap niya ito ng mahigpit. "Sssh.. he wants you to be happy. Hindi magiging masaya si John kung nakikita ka niyang umiiyak." marahang hinagod niya ang likod nito.

"I know.. I just can't help it. Hindi ko magawang umiyak sa harap ng maraming tao.. kahit sa bestfriend ko.. kahit kay Sofie. Kasi feeling ko mahina ako. Ayokong maging ganun ang image ko. That's why I always pretend to be tough and happy. Pero minsan I just want to cry at the corner for hours. I feel alone.. I feel incomplete. Hindi ko alam kung bakit. Siguro tingin sa akin ng ibang tao ngayon na wala na akong mahihiling pang iba. Pero may kulang.. ang problema lang hindi ko alam kung ano. Parang may butas sa puso ko na kahit anong gawin kong pagpapaulan ng mga mamahaling gamit sa paligid ko.. hindi mapunan. Andyan lang." ipinulupot nito ang mga braso nito sa baywang niya. "Hindi ko na alam.."

He sighed and hugged her tight. "I'll be here for you, Kenna. Just call me.. I'll be there."

Tumingala ito sa kanya. Marahang pinunasan niya ang mga pisngi nito. "This is weird. I'm hugging my mamboboso."

Natawa siya. "It was an accident." pinisil niya ang ilong nito.

She scrunched her nose. Ay jusko! Ang cute! Pigilan ninyo ako! "I know. How's your meeting?"

He shrugged. "I'll just sign the paper para maging okay na ang deal namin."

"Kung magsalita ka parang drugs ang pinag-uusapan natin rito." she chuckled.

Napangiti naman siya. "Wag ka maingay baka may makarinig." biro niya rito.

"What do you do for a living, Damien?" tanong nito sa kanya habang tinititigan ang mukha niya.

"Hmm. I own De La Fontaine Airlines--"

"What?!" nanlaki ang mata nito at napahiwalay sa kanya. Awww. Nakayakap na siya sa akin eh. Tsk.

Natawa siya. "Yeah."

"Omg! Sorry!" hinging paumanhin nito.

"Sorry for what?" nakangiting tanong niya rito.

She pouted her lips a little. "For.. ano.. for saying that the food is bland and dry.." nakayukong wika nito.

Malapad na ngumiti siya at hinawakan ang baba nito. "You were just being honest, Kenna. Alam ko naman iyon. Siguro sa sobrang gutom ko ay hindi ko na nalasahan ang pagkain." he chuckled.

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Where stories live. Discover now