Chapter 14

7.9K 210 4
                                    

"HELLO, Sofie? Andito na kami sa airport." sagot niya sa tawag ni Sofie.

"Yeah. Medyo natraffic lang. Andyan na."

"Sige. Sa Starbucks lang kami." inakbayan siya ni Damien. Wala siyang pakielam kung maraming paparazzi's ang nagpipiyesta sa kanila ngayon. All she knows is she's safe in Damien's arms. Korny!

"Sige. Ingat ka diyan!"

"Tara. Gusto ko na ng kape." nakangiting tumingala siya kay Damien.

"Your wish is my command." hinalikan siya nito sa mga labi.

Natawa siya. "Sabi ko kape."

"Mas nakakaadik naman ang halik ko kaysa sa kape." nakangising sabi nito.

She rolled her eyes. "Oo na. Tara na." niyakap niya ang mga braso niya sa katawan nito.

Iginiya siya nito sa Starbucks. Kaunti pa lang ang tao roon. Napahikab siya.

"Asus naman! Antok ka nanaman?" he gently caressed her face. Hinalikan siya nito sa noo. "Natulog ka na nga buong biyahe." he smiled.

"Hindi ko ba alam sa sleeping cycle ko. Ang moody." pumila na sila.

She glared at those slutty girls na nakatitig kay Damien. "Kalmutin ko mata niyo diyan eh." inis na bulong niya.

"Oh. Dragona, kalma lang. Hindi naman nila ako makukuha sa'yo eh." niyakap siya nito ng mahigpit.

Napangiti siya. "Siyempre, mas sexy at mas maganda naman ako sa mga puro dede na mga yan." gumanti siya ng yakap rito.

Natawa ito. "I agree. Sobrang sexy mo kaya nung nagsho-shower ka." nanlaki ang mata nito nang narealize nitong nadulas ang dila nito.

Nanlaki rin ang mata niya. Hinampas niya ito sa dibdib. "Sabi na eh. Nasaan yung picture nun?" she glared at him.

He cleared her throat. "Nasa camera ko." nag-iwas ito ng tingin.

"Next time iinform mo ako ha. Nakatalikod ako dun eh." natatawang wika niya. Pinagpapawisan na kasi ito. Akala siguro nito ay magwawala nanaman siya.

Napatingin ito sa kanya. "Huh?" naguguluhang tanong nito.

"Wala. Hindi mo narinig eh. Sayang naman." iling iling na sabi niya. "Magpapakuha na sana ako ng nude." biro niya rito.

Namula ang mukha nito. "Oh. Easy sa pag-iimagine, baby." pinunasan niya ang pawis sa noo nito. "Alam kong hot ako." biro niya pa rito.

Nauna na siya rito at nag-order. "One black coffee and one white chocolate peppermint mocha." siya na ang nagbayad. Nagtaka siya nang hindi ito sumunod sa kanya.

"Miss Kenna, right?" tumango siya sa cashier. "And.. for the black coffee?"

Tumingin siya kay Damien na pinagkakaguluhan na ng mga babae. "Mamboboso."

"Come again, ma'am?" natatawang wika nito.

Binalingan niya ang cashier. "Pinay ka eh. Narinig mo ako." she smiled.

Natatawang umiling ito. "Jowa niyo po?"

Umiling siya. "Nah. Personal assistant ko." kinindatan niya ito.

Natawa ito. "Wait na lang po kayo, ma'am Kenna. Ako na ho ang magdadala sa inyo ng personal." nakangiting sabi nito.

"Thank you, Heart.." basa niya sa name plate nito. Nagtungo siya sa pinakasulok sa upuan at masamang tinitigan si Damien na nakikipagkwentuhan sa mga mukhang mga dedeng foreigner. Sapakin ko tutut niya eh. Ngayon pa lang may iba na. Tsss.

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Where stories live. Discover now