Chapter 5

9.5K 277 2
                                    

"GROCERY shopping is so damn tiring. I forgot to buy cigarettes. Ugh!" she sighed heavily. Isang buwan na nang ihinto niya ang paninigarilyo pero mukhang ngayon ay kakailanganin niya uli ang mabahong usok ng sigarilyo.

Maingat na isinalansan niya ang kanyang pinamili sa cupboards niya. "I'm starving. But I'm too lazy to cook something.." she groaned.

Naisipan niyang lumabas at kumain sa nakitang café kanina. Verdant Soul Café.. nice name.

Kinuha niya ang wallet at cellphone niya. Saan kaya makakabili ng yosi?

Luminga linga siya sa paligid at may nakita siyang lalaking naninigarilyo. Nilapitan niya ito at kinalabit. Tumingin ito sa kanya. "Excuse me. Where can I buy a pack of cigarettes?"

Inabot nito sa kanya ang lighter at ang isang pakete ng sigarilyo. "There. Now go." walang emosyong sabi nito. Aabutin niya sana ang wallet niya nang magsalita itong muli. "Just go. I don't need your money."

She sighed and lit a stick. Hinithit buga niya iyon. "Thanks." tumango lang ito sa kanya.

Dinutdot niya sa ashtray ang paubos na niyang sigarilyo dahil naka-AC unit ang naturang café. Sa labas na lang siguro siya kakain para makapag-yosi siya.

"One black coffee and a slice of chocolate cake."

Naramdaman niyang tumahimik ang paligid. She sighed. Pagkabayad ay agad niyang dinala sa labas ang inorder niya at nagsindi ng sigarilyo. She sipped on her drink.

"Diba si Kenna yun? Yung bagong model ng Penshoppe! Ang ganda niya pala talaga."

"Oo nga. Ang sexy pa."

"Tapos ang kinis at ang puti pa."

"Kaso nagyoyosi."

"Shut up. Wala kayong pakielam kung anong gusto niyang gawin." wika ng isang lalaking nagbabasa ng diyaryo.

She crossed her legs and finished her cigarette. Bigla namang tumunog ang cellphone niya. "Hello, Sofie?"

"Search jovannicabriga on instagram. Now!"

"What? Why?" nakakunot noong wika niya.

"Just do it. It's going viral." yun lang at ibinaba na nito ang linya.

Agad siyang pumunta sa Instagram at hinanap ang pinapahanap ni Sofie. Malakas na napamura siya in Spanish para cool. "Mierda! ¿Qué coño es esto?!" malakas niyang sambit.

Agad niyang tinawagan si Sofie. "Who the fuck is Jovanni Cabriga?!"

"I-I don't know."

"Find him." naiinis na wika niya rito.

May umupo na lalaki sa harap niya pero hindi niya iyon pinansin. "Do everything. Find that bastard!" nang makitang may mga batang naglalaro sa di kalayuan ay hininaan niya ang boses niya.

"Pero sa tingin ko.. andyan lang sa tabi ang kumuha ng picture."

Pilit na pinakalma niya ang sarili. "What do you mean?"

"Kailan mo suot yung nasa picture?"

"This morning."

"Then nasa tabi tabi lang siya."

"Who is this Jovanni guy?"

"He's a well knowned photographer."

"I'll sue him." minasahe niya ang sentido niya. Pinatay na niya ang cellphone niya at nagsindi uli ng sigarilyo. Hithit buga ang ginawa niya.

"Don't you think you're risking your health and everybody's health around you?" nakangiting tanong ng lalaking nasa harap niya.

"Shut up." naiiritang wika niya.

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Where stories live. Discover now