Chapter 3

11.5K 283 12
                                    

TINULUNGAN niyang kunin ang mga gamit ni Kenna nang makitang dalawang naglalakihang bagahe ang dala nito. Ang dami naman niyang dala..

"Thanks."

Nakita naman niya na palinga-linga si Dion at Tiffany na hinahanap siya. Itinaas niya ang kamay para makita siya ng mga ito. "Di." tawag niya rito.

"Omg! Kenna! I'm not a fan pero sobrang ganda mo kaya fan mo na ako." nakangiting wika ni Tiffany.

"English, babe." siniko naman ito ng fiancée nitong si Dion.

"Can we take a picture?" nakangiting tanong ni Tiffany kay Kenna.

Tumango naman ang huli. "Sure."

Inalog siya ni Tiffany. "Jov, dali na. Chance ko na to."

Napabuntung-hininga siya. "Oo na. Wala naman akong choice."

Nakita niyang tumaas ang sulok ng labi ni Kenna. Napangiti rin tuloy siya. "On one condition."

Napatingin si Tiffany sa akin. "Ano ba yun? Dali na."

"Picturan mo rin kaming dalawa." he smirked.

Inirapan siya nito. "Dadamoves ka lang idadamay mo pa ako. O sige na. Dalian mo na. Baka umalis na tong si Gandang Kenna."

Agad na inilabas niya ang kanyang DSLR camera at kinuhanan ang dalawa. Nagmukhang bubwit si Tiffany sa sobrang tangkad ni Kenna. Umabot lang ito sa balikat ni Kenna.

Umiling si Dion. "Mukha kang wallet size kapag katabi mo si Kenna, babe." natatawang wika nito.

Inirapan naman ito ni Tiffany. "Heh! Akin na nga yang camera. Kayo naman, Jov." kinuha nito ang camera mula sa kanya at iniumang sa kanila. "Akbayan mo, Jov. Dali na."

"Sasakalin talaga kita, Tiffany." pabulong na wika niya rito.

Si Kenna naman ay pinulupot ang kaliwang kamay sa baywang niya. Walang hinto naman sa pagkuha ng picture si Tiffany. "Ang ganda ng shots ko. Palitan na kaya kita, Jov?" biro nito sa kanya.

Ngumisi siya. "Bawal bansot."

Napasinghap ito. "Ako? Bansot? Ouch." madramang wika nito.

Natawa si Dion. "Bansot ka man sa aking paningin.. bansot ka pa rin." banat nito.

Kinuha na niya kay Tiffany ang camera niya bago pa maisipan nitong ibato iyon kay Dion.

Pinaghahampas naman ni Tiffany ang tatawa tawang si Dion.

"Kenna!" napalingon sila nang may matangkad na lalaking tumawag kay Kenna.

"I've been here for almost 10 mins. Where have you been?" tanong rito ni Kenna.

"Sorry. Come on. Paparazzi's are already spread around the entrance." hinawakan nito sa baywang si Kenna at may dalawang lalaki namang nagbuhat ng mga gamit ni Kenna.

Tumingin sa kanya si Kenna at tumango. "I'll leave now."

"Bye, Kenna. Ingat ka." kaway rito ni Tiffany.

Tipid na ngumiti lang ito at kumaway.

Mahinang siniko siya ni Tiffany. "Uuuy! Selos si loverboy!" asar nito sa kanya.

Hindi niya na lang kinibo ito. Patuloy niya pa ring tinatanaw kung saan nagpunta ang dalawa.

"KENNA, nabasa ko yung article sa facebook. Kamust raw yung bata." tanong ng Kuya niya habang inililipat ang mga bagahe niya sa sports car nito. Kakalapag lapag lang kasi nila sa taas ng Velencoso Grand Hotel. Ayon sa Kuya niya ay kaibigan niya ang may-ari ng hotel. Imbes na dumiretso sila sa mansyon ng Lolo niya na may helipad naman ay dumaan sila roon dahil naiwan daw nito ang sports car nito doon sa naturang hotel.

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Where stories live. Discover now