Chapter 8

9.5K 285 9
                                    

"ANONG ginagawa mo kapag may free time ka?" tanong ni Damien sa akin habang nakaupo ito sa gilid ng office table nito at siya naman ay nakaupo sa swivel chair nito.

"Hmm.. me? I usually go shopping. Pero kadalasan nasa bahay lang ako. Nagluluto. Kumakain. Ganun. I rarely have any free time." ipinatong niya ang mga paa niya sa table nito.

"You cook?" tila amazed na tanong nito.

"Of course, I do." inirapan niya ito.

He chuckled. "Can you cook for me tonight?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Sino ang slave ko?"

Ngumiti ito. "Ako na. Ako na nga eh."

She yawned. "How about you? What do you do during your free time?"

"I usually go somewhere far. Yung mga hindi pa masyadong napupuntahan nga mga tao. I take pictures of sceneries. Kapag naman trip ko tumatanggap ako ng mga projects para sa iba't ibang brands."

Tumango tango siya. "Nice. Napansin ko lang na wala kang selfie sa Instagram account mo."

Ngumisi ito. "You're stalking me now, huh?"

She rolled her eyes. "Napansin ko lang!"

"No need to be defensive, Naveen." he chuckled. "Ikaw rin naman ah. Walang selfie. Puro stolen shots."

She shrugged. "I hate selfies. My first selfie was with John. The last was with you."

"I'm honored then." he smiled.

She scoffed. "You should be."

"Nagugutom ka na ba?" he gently grabbed her hand and played with it.

Tumango siya. "Yeah. I haven't had lunch yet."

Kumunot ang noo nito. "Why?" tila galit na wika nito.

"Oh. Kalma lang! Wala kasi akong gana kapag wala akong kasabay. Sa England kasi lagi kong kasabay si Sofie."

He crossed his arms. "That's why you're here." masungit na wika nito.

She smiled. "Come on!" tumayo siya at pinisil ang pisngi nito. "Join me!" she fluttered her lashes.

He squinted his eyes at her. "Are you blinding me with your cuteness?" he was fighting the urge to smile she can sense it.

"Damien.." malambing na wika niya. She even pouted her lips cutely.

Tuluyan nang ngumiti ito. "Fine. You leave me with no choice."

"Yasss!" she smiled widely.

Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "Kung hindi ka lang talaga cute. Naku!"

Natawa siya. "I know. Kain na tayo! I'm famished!"

"Saan mo gusto?" tumayo na ito ng maayos at ibinaba ang tumaas niyang shirt. Parang may kuryenteng gumapang sa katawan niya nang dumikit ang mga daliri nito sa balat niya.

"Ikaw na bahala. Wala akong masyadong alam na kainan rito eh."

Hinawakan naman nito ang kamay niya at iginiya sa papasok sa loob ng elevator. Bumukas iyon sa 48th floor pero natulala lang sa kanila ang mga empleyado hanggang sa magsara ang elevator.

Natawa silang dalawa. "Do we look like ghosts?"

"Nah. You look like a goddess." kinindatan pa siya nito.

Nang may pumasok na mga piloto ay kaagad siya nitong kinulong sa mga bisig nito. Tumingala siya rito at ngumiti. Kinindatan naman siya nito. Ipinulupot niya ang mga braso niya sa baywang nito at inilapat ang pisngi niya sa dibdib nito. Ang bango niya.. shet!

Picture Perfect (Damien Jovanni Cabriga & Kenna Naveen Cervantes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon