Chapter 1: The Boss

2.3K 29 3
                                    

Hari ang pinakamahalagang pyesa sa larong chess, pero bakit nga ba...mas makapangyarihan ang reyna?

--------

Napangisi ako, walang kahirap-hirap.

"Checkmate."

"Haaay. Talo na naman ako! Wala ka talagang patawad Boss!" Himutok ni Jin sa akin.

"Better luck next time, Jin." tumayo na ako palayo sa game table at naupo sa aking trono sa dulo ng magulong lungga nang aming grupo.

Isa akong gangster. At ang gang na kinabibilangan ko ay tinatawag na King-Cross.

Tatlong taon na rin simula ng mapunta sa akin ang trono bilang Boss mula sa lalaking nag-ngangalang Jason.

"Boss!" Humahangos na pumasok sa hide-out namin ang isang baguhang myembro. "Timabangan ang grupo namin ng isang gang mula sa kabilang distrito...Slayers Gang daw po sila! Binugbog at kinuha po nila ang mga kasamahan ko. Gusto daw po nilang kayo, Boss, ang tumubos sa mga kasamahan ko."

"ANO?!" napatayo si Jin, at naglaro ang mga mata sa pagitan namin ng humahangos na baguhan.

Isang pag-hamon na naman mula sa hindi kilalang grupo. Mga baguhang grupong nagmamadali na makilala sa mundong ito, sa pamamagitan sa paghamon sa mga beteranong grupo.

Mga walang pagpapahalaga sa kanilang sariling buhay at sa mga buhay na umaasa sa kanila.

Nararapat lang silang turuan ng leksyon.

Ipinikit ko ang aking mga mata, para kontrolin ang aking pagka-sabik para sa nalalapit na engkwentro.

Pulang dugo...

sabik na akong mabahidan muli ng pulang likido ang aking mga kamay.

"Jin." sa pagbanggit ko sa pangalan ng aking kanang-kamay ay alam na nya ang kanyang dapat gawin.

"Ok Boss." Yumuko sya ng may paggalang sa aking harapan at saka lumapit sa baguhan naming kasapi upang ipaalala na ang isang King-cross ay hindi dapat magpakita ng kaba, pagod, takot, at kahinaan.

Ang pagpapaalala ng rules ng gang ay idinadaan namin sa pagpapahirap.

Kamay na bakal, para sa mga kasaping mahina o nanghihina ang kalooban, ang pundasyon ng grupong pinamumunuan ko. Kaya kilala ako bilang Ruthless Boss sa mundo ng mga gangster.

"Walang puwang dito para sa mga mahihina!" paalala ni Jin habang hinahataw ng suntok at sipa ang hindi lumalaban na baguhan.

Nang makatanggap sya ng sampung hataw, ay itinaas ko na ang isa kong kamay bilang sinyales na itigil na ang pagpapahirap.

"S-sorry B-boss!" namimilipit sa sakin at duguan na sambit ng baguhan.

Tumango ako ng bahagya bilang pagtanggap ng kanyang paghingi ng tawad.

Isang pamilya ang King-cross. Malupit man kami sa pagpaptupad ng batas, gaya ng isang ama na pumalo sa kanyang anak na nagkamali, madali naman kaming magpatawad at may pagpapahalaga kami sa bawat miyembro.

Huminga ako ng malalim at iniunat ang aking mga binti saka sumandal sa aking upuan.

"Ilan sa mga kasamahan natin ang bihag nila?"

"P-pito po Boss!"

"At ilang miyembro nila ang nanambang sa inyo kanina?"

"Na-nasa be-bente po, Boss!"

Napangiti ako. Baguhan pa nga sila. Hindi nila nakaya ang 20 na kalaban.

Marami pa silang dapat matutunan bago maging isang tunay na King-Cross gangster.

Diary of My Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon