CHAPTER 24

259 7 0
                                    

Chapter 24: Lugawan-ligawan

PAGDATING namin sa bayan ay nakita ko sa mga mata ni Nica ang pagkamangha. Maliit man itong bayan namin pero maganda siya dahil sa mga makukulay na mga bagay na binibenta. Fresh pa ang air dito kasi mahangin nga.

Pumili ng t-shirt si Azul para palitan ang basang damit niya. Nanood lang ako sa kanila.

“Ikaw, Eljeh?” tanong naman sa akin ni Nica nang mapansin niya na tahimik lang ako.

“Wala akong dalang pera,” nakangusong sabi ko. Kasi hindi naman ito ang balak namin. Ang pumunta sa bayan para mamili ng kung ano-ano’ng abubot. Maliligo lang kami.

“Ako ang magbabayad, Eljehanni,” pagsingit na sambit ni Azul at umikot lang ang eyeballs ko.

“Wala akong bibilhin,” sabi ko saka ako nagtungo sa pintuan para sana lalabas na pero naramdaman ko ang pagsunod niya.

“Ako nga ang magbabayad. May pera ako rito, Eljehanni,” aniya sabay hawak sa siko ko.

“Oh, alam kong may pera ka pero wala nga akong bibilhin doon. Magpalit ka na rin. Basa ang damit mo. Baka magkasakit ka pa,” ani ko.

“Tara sa loob, huwag ka rito sa labas,” sabi pa niya at sumama naman ako nang hawakan niya ang siko ko.

***

Sunod naming pinuntahan ay ang jewelry shop pero hindi naman ito katulad na may mamahalin na alahas. Cute naman ang mga ito kahit cheap lang siya.

Nakuha naman ng atensyon ko ang isang bracelet. Simple lang iyon na walang pendant pero ang bilog nito ay may hugis na tear drop.

“Gusto mo iyan?” tanong ni Azul sa tabi ko at mabilis kong binitawan ang hawak ko.

“Luh, tinitingnan ko lang ay gusto ko na agad?” nakataas ang kilay na tanong.

Kinuha niya lang iyon saka siya nagsalita, “Ate, kukunin ko ito.” Sasabat na sana ako nang magsalita naman ang babae.

“Kasama mo pala si Señorita Eljeh, Azul,” magiliw na sabi nito. Ngumiti naman ako sa kanya.

“Opo, kasama ko rin ho ang mga kaibigan ko,” sabi niya. Tukoy niya sa dalawang kasama namin. Hinawakan niya ang pulso ko at lumapit kami sa may counter. “Hindi ito katulad ng mamahalin na bracelet na madalas mong sinusuot pero mas malaki ang halaga nito,” paliwanag niya bigla at isinuot niya iyon sa akin.

“Ano?” naguguluhan na tanong ko naman.

“Hindi iyong pera ang tinutukoy ko. Ang ibig kong sabihin, ang suot-suot mo ngayon ay pinaghirapan nila para magawa ito. Naglaan sila ng oras, dugo, pagod at pawis,” clear na explanation niya. Tumango ako at ngumiti. Gumanti naman siya at ngumiti rin sa akin. “Nagustuhan mo ba?” tanong niya na may lambing sa boses.

“Opo,” nakangiting tugon ko. Pasimple siyang humalik sa pisngi ko. Mabilis lang iyon, takot mahuli ng kasama namin.

Hindi agad kami umalis dahil dinala kami ni Azul sa lugawan. Ngayon lang ako nakapasok dito.

“Akala ko uuwi tayo, ’no, Nica?” pagpaparinig ko kay Nica at naramdaman ko ang mabilis na pagtingin ni Azul sa gawi ko. Patay-malisyang uminom lang ako ng tubig at hindi siya pinansin.

“Oo nga. Akala ko rin,” pag-agree naman ni Nica.

“Heto na ang lugaw niyo, Azul.” Dumating naman ang lugaw na in-order ni Azul. Yes, lugaw lang ito pero parang hindi lang simpleng lugaw. Amoy pa lang ay masarap na.

“May bago ka palang kaibigan, Azul,” sabi ng ginang na naghatid ng pagkain namin. “At ang ganda pa, guwapo rin ang lalaki.” She’s referring to King and Nica. “Magandang umaga sa ’yo, Señorita Eljeh,” nakangiting bati naman nito sa akin. Aba, marami na ang nakikilala sa akin sa bayan. Dahil siguro madalas ako sa palengke.

His Ideal Girl (ONGOING)Where stories live. Discover now