CHAPTER 1

2.7K 43 0
                                    

Chapter 1: Eljeh first intro

ELJEHANNI ELITES CIESTA’s POV

Sta Rosa Province

I REMOVED my sunglasses nang mabasa ko na ang pangalan na pupuntahan ko. I smiled sweetly. Surprise ang pag-uwi ko kaya naman nag-commute ako from NAIA to this province. Yes, kagagaling ko lang from USA.

Kahit na sobra akong nainitan sa bus dahil nagsiksikan pa ang mga pasahero doon. Isama mo pa na mainit noong una kasi marami ngang nakasakay pero nang tumapak na ang mga paa ko sa province na ito ay gumaan na ang pakiramdam ko.

Hindi mainit sa probinsya, kahit na medyo tirik ang araw. Sariwa pa ang hangin dito at walang air pollution. Peaceful din at magandang tingnan ang paligid kahit puro matatayog na punong kahoy lang ang makikita mo.

I wore my sunglasses again. White longsleeve ang suot ko na may mahabang manggas but crop top style siya, so kita pati ang pusod ko. Skort naman pababa na may flap fabric siya sa shorts kaya mas nagmukha pa rin siyang skirt. Blue sneakers naman ang suot ko. Red beanie rin at hinayaan ko nang nakalugay ang long straight hair ko.

Bitbit ang maleta ko ay nagsimula na akong maglakad. Malayo-layo pa naman ang villa namin. Sana man lang ay may dumaan dito sa gawi. But impossible, kami lang ang nakatira here except sa kabila banda nito at sa mga tauhan ni papa.

Wala pang limang minuto ay nakaramdam na agad ako nang pagod. I snorted. I just want to surprise my parents but hèll I’m tired na. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo ko gamit ang likod ng kamay ko at huminga nang malalim.

Ilang minuto ulit ako naglakad ay nakarinig ako nang yabag ng kabayo. Parang nabuhayan ako ng loob. Nasa bandang likuran ko nanggagaling ang tunog na iyon kaya naman ay humarap ako. I extended my hand to stop the horse—parang pumapara lang ako ng taxi.

Lalaki ang sakay ng kabayo. Itim na t-shirt ang suot niya at may red vest pa siya. Brown ang pants niya na fitted sa mahahaba niyang mga binti, and a pair of black boots pero hindi ko makita ang face niya dahil sa cowboy niyang sumbrero.

Huminto naman siya sa tapat ko na ikinalapad ng ngiti ko. Napaatras pa ako nang sumipa ang kabayo niya at nalaglag ang sumbrero niya. Nagkusang loob naman akong pulutin iyon at ibibigay pa lang sana sa kanya nang mapahinto ako.

Bayolenteng napalunok ako nang makita ko ang mukha niya. Bakit ang perpekto naman ng hugis ng face niya? Makapal ang kilay, matangos ang ilong, mamula-mula ang labi. Malapad ang panga at ang lalagukan niya ay nagtaas-baba rin. Ang buhok niyang may kahabaan, nagmistulang bangs ang buhok niya dahil nalalaglag iyon sa noo niya. Hindi ko masasabi na moreno ang kutis niya dahil nag-sparks ang kaputian niya kapag tinatamaan siya ng sikat ng araw.

Nagtama ang mga mata naming dalawa at kahit naka-shades pa ako ay parang pati ang kaluluwa ko ay nakikita niya. Ang lamig at malalim kung makatitig siya.

I cleared my throat. Bumilis bigla ang heartbeat ko at hindi iyon normal, ha.

“Here. Can I ride in your horse? I just want to be there, oh. I’m so tired,” sabi ko at itinuro ko pa ang dulong tatahakin ko. Tiningnan niya iyon at malamig na tinapunan ulit ako nang tingin.

“Hindi puwede,” mabilis niyang sagot. Aba, tinanggihan niya agad ako.

“Ha, why not?” nagtatakang tanong ko. Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa at saka umigting ang panga niya. “Please, my legs are shaking and I can’t even stand straight. Sa dulo lang iyon ako pupunta,” ani ko at hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya.

His Ideal Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon