CHAPTER 12

334 13 0
                                    

Chapter 12: Sundo

PANAY ang pagbuntong-hininga ko at naiiling na lamang ako dahil ang arte pala ng buyer ni Papa. Nakailang libot na kami rito at ang babaeng kasama niya ay may hawak pang payong para lang hindi siya maarawan.

Samantala ako ay panama hat lang ang suot ko. Isa akong agriculturist at sanay naman akong maarawan pero minsan ay hindi ko nakakayanan ang sobrang init nito, lalo na sa skin ko.

“Kapansin-pansin ang pagtuyo ng husto ng lupa. Parang kahit na isa ay walang tutubo na halaman dito. Look at this, Ms. Ciesta,” he said at nag-squat pa siya para lang hawakan ang lupang tuyo. Alam ko naman ’yan kahit hindi mo sabihin. Grr. “Ang tigas ng lupa at halatang hindi nauulanan sa parteng ito,” he added his words.

“Hindi naman po magkakaganito kapag napagtuunan na ito nang atensyon,” ani ko. Nag-angat siya nang tingin sa akin bago siya tumayo.

“Magkano ang presyo na maibibigay mo sa akin?” tanong niya. Here’s the deal.

My father said ay nasa 2 to 3 millions lang daw puwedeng ibenta ito dahil na raw hindi maganda ang lupain pero hindi sa halagang iyon nabili ni Papa. More than that.

“Around 7 millions.” Napasinghap siya sa naging sagot ko. Maliit na halaga lang naman iyon kung tutuusin.

“Magkano ang mas mababa?”

“6 millions.” Napahilot siya sa sentido niya.

“Just look at the area. Parang ako ang lugi kapag babayaran ko ng ganyang halaga ang lupain niyo, Ms. Ciesta,” sabi niya. Alam naman niya na walang mura kapag lupain na ang ibebenta.

“9 millions ang halagang ito noong binili ng aking Papa, Mr. Lesguila. Higit kami ang malulugi kapag binabaan pa namin ang presyo na dapat maging fair din sa amin,” paliwanag ko sa kanya at bumuntong-hininga pa siya.

“4 million?”

“5.5 million,” mariin na saad ko.

“Okay fine, 5 million is it.” Napaisip naman ako sa natirang pera na hindi umabot sa presyong binili dati ng Papa ko. Tumango ako. Hindi na masama pa.

“Deal, Mr. Lesguila. Matanong ko lang po kung ano ang ipapatayo ninyo sa lupain na ito kapag nagkataon na maaayos na ang transaction natin?” interesadong tanong ko. Of course kailangan ay may alam ako sa plano niya at sa purpose niya kung bakit binili niya ito. He knows na malayo ito sa City.

“Patatayuan namin ng factory na paggawa ng langis.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Langis?

“Gagamit kayo ng chemical kung gano’n,” anas ko at tumango siya. “Hindi po kayo maaaring gumawa ng langis sa lugar namin dahil may posibilidad na masira ang pananim namin sa dulo ng lupain na ito at sayang lamang din po kung hindi ninyo pagtataniman.”

He laughed at my remarks. Nang-aasar talaga siya. Parang walang manners. Tsk.

“Malayo sa lugar niyo ang lupang bibilhin ko, Ms. Ciesta,” naiiling na sambit niya.

“Ang usok mismo ang magdadala ng amoy at maaapektuhan ang mga halaman,” sabi ko pa. Alam kong isa lang siyang business man at wala siyang alam tungkol sa bagay na iyon.

Kami mga agriculturist ay may nalalaman sa langis at sa masamang usok nito. Maaaring pati ang mamamayan namin dito ay maaapektuhan din at magkaroon pa ng malubhang sakit. Chemical kasi iyon, eh. Malakas ang epekto nito.

“Sinabi mo ba na sayang ang lupang ito kung hindi namin tataniman? Ang iyong ama nga ay sumuko na sa pagtatanim dito dahil wala namang nabubuhay maski isang halaman, maliban na lamang sa mga ligaw na damo rito,” pahayag niya. May katotohanan naman iyon at hindi ko ipagkakaila.

His Ideal Girl (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon