CHAPTER 20

472 10 0
                                    

Chapter 20: Away-bati

NANG maibaba na ako ni Azul at nakatapak na rin sa lupa ang mga paa ko ay maririnig ang tunog ng batis at malamig ang pagdampi ng hangin sa balat ko. Grabe na this, ang ganda pala here. Kung stress ka ay puwede kang pumunta rito at makapag-r-relax ka pa. Maraming bato sa batis at matataas ang mga damo. Sa sobrang ganda nito ay nagliliwanag pa ang tubig na parang may kislap din.

“Tama. Naalala ko na. Naalala ko na ang batis na ito. Madalas akong pumupunta rito,” nakangiting pagbibida ko kay Azul. Maaliwalas na ang bukas ng mukha niya na mukhang pati siya ay nasisiyahan din.

Malayong-malayo na siya sa Azul na nakilala ko noong kagagaling ko pa lamang sa America. Na iyong Azul na masungit at hindi maginoo. Isang mabait na Azul na ang kasama ko ngayon at na-crushback na rin ako.

Paika-ika akong lumapit. Hinawakan naman niya ako sa siko ko bago ko pa man marating ang pupuntahan ko. Tinanggal niya ang vest niya at inilapag iyon sa damuhan saka niya ako iginiya paupo.

Nakaluhod din ang isang binti niya at hinubad niya ang sandal ko. Nang hawakan niya ang talampakan ko ay napadaing pa ako.

“Sa susunod ay mag-iingat ka na at huwag kang basta-bastang tumatalon,” paalala pa niya and I just pouted. Nang mapansin niya ang gesture ko ay napailing siya. “Parang bata.”

May pag-iingat niyang minasahe ang ankle ko at nakararamdam ako nang kiliti. Mainit kasi ang palad niya.

“Ganito na ako noong bata pa lamang ako. Hyper lang talaga ako,” I reasoned out. Nasa ibabaw na ng hita niya ang paa ko.

“Pipisilin ko lang ito nang mariin.”

“Ha, bakit mo naman pipi—ouch! Fvck! That hurts, Azul!” sigaw ko at nag-init agad ang sulok ng mga mata ko. Inikot-ikot niya ang ankle ko at may pinisil pa siya roon na parang bone ko na nga iyon kaya nakaramdam ako ng kirot doon.

Sa biglaan na pagsakit ay hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak. Minasahe niya lang ang paa ko at lumapit lalo sa akin para yakapin ako. Hinalikan niya rin ang sentido ko. Humawak ako sa damit niya.

“Pasensiya na. Kailangan ko lang talagang puwersahin iyon,” mahinang saad niya pero hinampas ko lang siya sa dibdib niya. He just caressed my hair and kissed my temple again and again. “Iyakin ka pala.”

“S-Sino naman ang hindi maiiyak kung iikutin mo nang ganoon ang paa ko?! Masakit kaya ’yon!” reklamo ko na sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. Hinuhuli iyon ng hinlalaki niyang daliri para punasan.

“Alam ko. Alam ko na masakit. Dahil hindi ka naman iiyak nang ganyan kung hindi,” tumatangong sabi niya at dinala pa niya ang ulo ko sa dibdib niya para ihilig iyon doon.

Umiiyak lang ako habang wala siyang tigil sa pagpapatahan at paghalik sa akin. Nang marinig ko ang malakas na kabog sa dibdib niya ay umurong ang mga luha ko at napasinghot na lamang ako. Mas lalo akong sumiksik sa kanya para mas marinig ko iyon nang malinaw.

“B-Bakit ang bilis nang tibok ng puso mo, Azul?” I asked him. Iyon talaga ang pumukaw ng atensyon ko. Kasi hindi naman iyon normal heartbeat. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil parehong-pareho ang tibok nito na parang sumasabay rin. Hala, akala ko ay sa akin lang ang ganitong klaseng tibok ng puso. Pati pala iyong kanya.

“Dahil iyon sa ’yo,” sagot niya sa mahinang boses pa. Muli ko siyang tiningala at napapikit pa ako nang halikan niya ang tungki ng ilong ko. Uminit na naman ang pisngi ko. Panay halik na siya.

“Weh?” nakataas ang kilay na sambit ko.

“Ikaw, palagi mo na lang akong binabara. Sinisira mo ang sandali natin.” I frowned. Ito ba ay kasing kahulugan din ng ‘sinisira ang moment?’ Kakaiba talaga itong si Azul. Lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Ayie. “Igalaw mo na ang paa mo kung wala ka nang mararamdaman na sakit.”

His Ideal Girl (ONGOING)Where stories live. Discover now