CHAPTER 4

322 10 1
                                    

Chapter 4: Breakfast with Azul

BASE pa nga lang sa panlabas na anyo nito ay mahirap siyang pakisamahan. Emotionless kasi siya. Tama nga si Nanay Lore. Hindi siya pala-kaibigan at hindi rin talkative. Seryoso lang siya at tahimik. Focus siya sa work niya. Tapos hindi rin mahilig makipag-interact sa iba.

Gayunpaman ay hindi pa rin ako susuko na kulitin siya. Gusto kong makipagkaibigan kay Azul. Ewan ko kung bakit at kung ano ang reason ko para magkaroon ng interes na kaibiganin siya.

“Sabay na tayong mag-breakfast, Azul? Ako nga pala si Eljehanni Elites Ciesta, 27 years old na ako. Ikaw? Azul lang ba ang pangalan mo? Of course may karugtong pa iyon, right? Ang unique ng name mo, ha. Azul, as in color blue?” daldal ko sa nanahimik na poging hardinero namin.

Iniluhod niya ang isang binti niya sa lupa kaya nag-squat naman ako. Para ma-level ko ang face niya. Mabilis siyang nag-iwas nang tingin, nakaharap nga kasi ako sa kaniya para makita ko ang ginagawa niya.

“Señorita, nandito na ang agahan ninyo,” sabi ni Nanay Lore. I looked at her at nakataas ang sulok ng mga labi niya.

“Ilapag niyo na lang sa table, Nanay Lore,” ani ko at sinulyapan ko si Azul. Pinagpapawisan na siya kasi tumutulo na iyon mula sa buhok niyang nalalaglag sa noo. Ang tangos ng ilong niya at parang hindi siya pure Filipino. Baka may half-half siya. Ang panga niya, ilang beses ko nang nakita ang pag-igting nito. Natural na mapula ang lips niya. “Tara, Azul. Breakfast muna tayo?” pag-aaya ko. “Bawal tanggihan ang grasya, Azul. Alam mo ba iyon? Bad iyon.”

Bumuntong-hininga siya na parang naiinis na naman siya sa presensiya ko o kaya naman ay naingayan siya sa kadaldalan ko.

“May trabaho pa ako,” sabi niya lang. Halos hindi ko pa marinig sa hina ng kaniyang tinig.

“Puwede mo namang tapusin iyan mamaya. Sige na, kain muna tayo,” pamimilit ko pa rin. Ginulo niya ang buhok niya para lang mapatingin ako sa kili-kili niya. Lalaking-lalaki at may bigote pa siya. Ayiee. Bakit kaya pinili niya ang ganitong klaseng trabaho?

Puwede nga siyang ipasok sa modeling. Aba, sure ako na maraming agency ang kukuha sa kaniya at pag-aagawan pa siya. Magiging sikat siya kapag natuloy iyon. Hakot award siya kapag nagkataon.

“Tsk.” I snorted. Kasungit nito, ay.

“Gutom na ako, Azul,” sabi ko at hinawakan ko pa ang impis kong tiyan. Napatingin siya roon at umikot ang eyeballs niya. Hala, marunong pala siyang mag-roll eyes. Binitawan niya ang hawak niya at naglakad palapit sa mesa. Napangiti ako dahil napapayag ko rin siya. Isinuot niya ulit ang t-shirt niya. Sayang iyon, libre show sana ang abs niya.

Umupo na rin siya kaya pumuwesto na ako sa tapat niya. Toasted bread, fried rice, half-cooked eggs and sandwich ang nakahanda. May isang pitcher ng strawberry juice and two cups of coffee. Umuusok pa sa init nito.

Nagsalin ako ng juice sa baso at iniusog ko iyon sa kaniya. Napatingin pa siya roon saka niya ito kinuha at inisang lagok lang. Ang sexy nang pagtaas-baba ng adams apple niya. Sumimsim ako ng kape ko habang pinapanood ko siya. Muntik pa akong mapaso nang makita ko na nabasa ang lips niya. Nag-p-panic ang system ko sa nakikitang ka-sexy-han niya.

Inilapag ko iyon sa table at saka ako nagsandok ng fried rice. Lahat ng ulam ay inilagay ko sa pinggan. After that ay ipinalit ko iyon sa kaniya. Kinuha ko ang walang laman na plate niya. Wala sa sariling napatingin na naman siya roon.

“Ubusin mo iyan, ha? Bawal magtira,” ani ko.

Sinabayan niya nga akong kumain at napansin ko naman na may ilang pares ng mga mata ang nakatingin sa amin. I glanced at my balkonahe kasi roon ko naramdaman ang titig na iyon. I smiled at my parents at si papa ay nailing na lamang siya. Si mama naman ay nag-thumbs up pa sa ’kin.

His Ideal Girl (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon