CHAPTER 8

193 4 0
                                    

Chapter 8: Stuck & Pick Up

ONE morning ay sabay-sabay kaming kumain ng breakfast, kasama ko sina Mama at Papa. Kami ni Mama ang magkatabing nakaupo at si Papa naman ay nasa gitna—kung saan dapat nakapuwesto ang padre de pamilya namin. But minsan naman ay umuupo siya sa tabi namin.

Sanay kaming kumain ng heavy breakfast. May tuyo pa nga minsan ang kinakain namin at nagkakamay kami. Para feel daw namin ang buhay sa probinsya kahit nasa villa kami. Tinatawag ko nga ito minsan na bahay, eh. Totoong tahanan naman namin ito.

Maraming extra room at halos kompleto na lahat ang mga gamit dito. Malayo ito sa mga taong simpleng bahay rin ang mayroon sila pero nagpatayo ng housing project ang Mama ko para sa mga tauhan nila ni Papa.

Ganoon talaga kahalaga para sa amin ang mga workers namin sa Sta Rosa Province. Maasahan din naman kasi ang mga ito kasi masisipag din.

“Papa, puwede ko ho bang hiramin ang kotse mo?” tanong ko sa aking ama. Nag-angat siya nang tingin at sinalubong ko naman iyon.

“Aba siyempre naman, anak. Kahit hindi ka na magpapaalam pa sa akin. Pumili ka na lang kung ano’ng kotse ang gusto mo sa garahe. Na kay Mama mo ang mga susi,” sabi niya. Super bait talaga ng aking ama. Kaya mahal na mahal ko rin siya.

“Thanks, ’Pa,” nakangiting sambit ko.

“You’re welcome, anak.” Ngumiti rin siya sa akin pabalik.

“Why? Sawa ka na ba kay Vip, darling? At gusto mong naka-kotse ka na lang habang pumupunta sa palengke?” naaaliw na tanong naman ni Mama. Umiling ako kasi hindi naman iyon ang dahilan ko. Aalis ako at hindi naman keri ni Vip ang pumunta sa malayo. Hihingalin at mapapagod lang siya.

“Pupunta po ako sa Manila. Kukunin ko lang po ang package ko na pinadala ni Sydney. Mga gamit ko po iyon doon sa States,” ani ko. Totoong may package ako at mga gamit ko lang naman ang nandoon.

Tinawagan ko siya last week na ipadala na sa akin since maayos naman iyon lahat at ngayon lang dumating.

“Pasasamahan kita sa family driver natin, Eljeh,” suhestiyon ni Papa.

“No need na po, ’Pa. I can drive naman po,” usal ko.

“You sure, anak?” he asked me and I nodded.

“Isa pa ho ay may bibilhin din ako sa Manila. Baka rin po bukas na ako makakauwi. Dadaan na lang ako sa condo ko,” ani ko. May sarili akong condo roon. Doon kaya ako nag-aral at paminsan-minsan din ako kung umuwi rito.

“Pero kung puwede ka pa namang umuwi agad, try it, darling.”

“I will po, ’Ma.”

“Binibida ka sa akin ni Aling Molai, anak. Masipag ka raw sa tindahan nila,” ani Papa na mukhang proud siya sa akin. Sa pagiging tindera ko talaga.

“Eh, nakaupo lamang po ako roon habang nagsusukli po ako sa mga customer nila, ’Pa. Wala po kasi roon si Azul. Lumalandi po siya.” Pareho na naman silang natawa sa sinabi ko.

“Be careful, darling.”

“I will po.”

Black jumpsuit ang isinuot ko and white sneakers. Hindi na ako nagsuot pa ng beanie ko and I chose the cat-eye shades.

Napili ko ang puting Honda na kotse ni Papa. Sampu lang naman ang sasakyan niya at never pa akong bumili ng sarili kong car. Nakikigamit din ako.

“Mag-iingat ka, anak.” Niyakap pa ako ng parents ko. Ang Papa ko pa ang nagbukas ng pintuan at sinuri pa ang makina. Hindi naman sila OA. Sadyang worried lang sila sa akin.

His Ideal Girl (ONGOING)Where stories live. Discover now