CHAPTER 13

251 9 0
                                    

Chapter 13: Kasintahan

“PANGIT mo,” I told him and stick out my tongue to annoy him. He just clinched his teeth. Wala sa sariling inabot ko ang pisngi niya at mariin kong pinisil ito.

“Huwag kang magulo, Eljehanni. Nagmamaneho ako,” malamig na suway niya sa akin pero hinila ko pa ang pisngi niya.

Ano kaya ang gamit nitong sabon or skin care? Bakit ang lambot ng cheeks niya at ang kinis pa? Ay, parang naitanong ko na rin ito sa sarili ko.

Sinunod kong inabot ang buhok niya at hinila ko rin ito kaya ang messy hair niya ay mas nagulo pa. Pati ang hair niya ay ang lambot din.

Binitawan ko rin iyon at umayos ako mula sa pagkakaupo ko. Tumingin ako sa harap nang makita na hindi ito ang daan pabalik sa villa namin. Nilingon ko ulit siya.

“Azul, ako ba ang nilalandi mo ngayon at dadalhin mo pa ako sa kung saan para i-date ako?” nakangising tanong ko at nang kumibot-kibot na naman ang labi niya na tila may sasabihin siya pero kalaunan ay tumiklop din ito. Napahagikhik ako. “Ano na, Azulenzure?” untag ko pa.

Bumuntong-hininga siya at umiling lamang. Hindi na niya ako pinansin pa. Kung sabagay naman ay hindi niya ako pinapansin. Eh, hindi naman ako si Isabella para landiin niya. Chos.

Nasagot din naman ang tanong ko nang huminto ang kotse na sinasakyan namin sa isang malawak na bukirin at kitang-kita ko ang sugarcane na pananim mula rito.

Tinanggal ko ang seatbelt ko at naunahan na pala ako ni Azul na bumaba dahil nakaikot na siya sa side ko. Binuksan niya ang pinto at parang natural na rin sa kanya ang ilagay ang isang kamay niya sa bubong, particular na sa itaas ng ulo ko para hindi yata ako mauntog. Ang sweet, ha.

“Wow, kung hindi ako nagkakamali ay ang lupain na ito ay sakop pa rin ni Papa, ’di ba?” tanong ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad patungo roon. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa likuran ko.

Mainit pa rin ang sikat ng araw pero balewala na ito, kasi malamig ang hangin at ang presko pa.

“Oo,” tipid na sagot niya. Maraming mga magsasaka ang nagtitipon-tipon sa isang malaking kubo na alam kong doon sila nagpapahinga at may tatlong truck pa ang naka-park doon. Mukhang kasalukuyan silang nag-aani ng sugarcane.

Nang makalilimutan kami roon ay agad kong kinuha ang atensyon nila. “Magandang araw po!” masayang bati ko sa kanilang lahat na ikinagulat pa nila.

Ganoon pa man ay magiliw na binati pa rin nila ako at may ngiti pa sa mga labi nila.

“Nobya mo, Azul?”

“Aba, ngayon ka lang nagdala ng nobya mo rito, ah.”

“Ang gandang bata naman. Tiyak ako na magagandang babae at lalaki ang mga magiging anak niyo.” I giggled when I heard their remarks.

Pinagkamalan pa akong girlfriend ni Azul. Hala, hindi ako magrereklamo at hindi ko itatama iyan.

“Si Eljehanni po. Anak ni Sir El ng Villa Ciesta,” pakilala niya sa aking sarili sa mga magsasaka.

Nanlaki pa ang mga mata nila sa gulat pero hindi ko alam kung saan sila mas  nagulat; sa nalaman na anak ako ng Papa ko na kanilang amo o sa kaalaman na girlfriend niya ako kasi hindi naman niya itinama iyon, eh. Naku I don’t know his trip.

“Kumusta, Señorita?” Isang ginang agad ang lumapit sa akin at nakipagkamay pero nang mapansin niya marahil ang marumi niyang kamay ay mabilis niyang binawi iyon. “Ay, pasensiya ka na, Señorita! Natuwa lamang ako na makilala ang anak ng aming butihing senyor!” Natawa ako kasi takot sila na baka magalit ako kapag makita na marumi ang mga kamay nila.

His Ideal Girl (ONGOING)Where stories live. Discover now