CHAPTER 7

180 5 0
                                    

Chapter 7: Nililigawan & Selos

HINILA ni Azul ang maliit na mesa at malapit iyon sa akin. May chair din naman sila at doon umupo si Lola Molai. Mga gulay na lamang ang paninda nila. Mukhang naubos na ang isda nila. Ang galing naman talaga ng kulay asul na ito na magbenta ng paninda nila. Aba, pinipilahan siya ng mga customer nila.

Adobo at dinuguan ang ulam namin. Siyempre si Nanay Lore ang nagluto nito. Alangan naman ako? Chars. Hindi ako marunong magluto. Marunong lang akong lumamon.

Doon sa States ay si Sydney ang nagluluto sa amin ng breakfast, lunch and dinner namin. Hindi naman siya roon nakatira. Mahilig lang siyang tumambay sa unit ko. Ang kapal nga ng face niya kung hindi ko lang siya boyfriend.

Binigyan ako ni Azul ng pinggan at nakita kong wala kaming kutsara. Awits, Eljehanni. Magkakamay ka po.

May ulam silang gulay na mukhang masarap kasi kalabasa iyon. Napangiti ako at iyon ang una kong kinuha. Wala na akong kahihiyan sa face ko. Bago ko pa man makuha iyon ay nagawa nang abutin para sa akin ni Azul. May pritong isda rin sila at paksiw? Ang sarap... Huhu.

“Hala, amoy palang po ang sarap na!” tuwang-tuwa saad ko. Mahinang humalakhak si Lola Molai.

“Ang apo kong si Azul ang nagluto niyan, hija,” pagbibida niya. Binalingan ko si Azul na nakaupo pa rin sa tabi ko at nasa bandang kanan naman niya ang batang babae na binibigyan ng pagkain ng lola niya. Iniiwasan nito ang mapatingin sa gawi ko. Parang kakainin ko siya kung makapagtago siya, ah.

“Marunong ka palang magluto?” tanong ko. He ignored me na naman kaya inapakan ko ang paa niya. He groaned and I grinned.

“Ayos ka lang ba, apo?” nag-aalalang tanong sa kanya ng kanyang lola.

“Opo, ’La,” sagot niya at marahan na sinipa ang binti ko. Malakas ko naman siyang ginantihan. Tumigil na rin siya kasi alam naman niyang gaganti pa rin ako. Lintik lang kasi ang walang ganti, right?

Nagsimula na rin akong kumain at ’yong ulam lang nila ang kinain ko. Masarap kasi dahil magaling magluto si Azul. Hindi lang siya pogi at yummy, aba nakabubusog din ang mga pagkain niya, pati na ang kanyang pandesal. Titigan mo lang ay busog ka na.

“Kuya, gusto ko pa ng dinuguan,” pagsingit ng batang kasama namin.

“Hindi ba galit ka sa taong nagbigay nito, Asthasia?” sabi niya sa bata. Asthasia pala ang pangalan nito, ngayon ko lamang nalaman.

“Eh, binigay na po niya, Kuya. Iba naman po siya at sa ulam na dala niya.” Pinagtaasan ko ng kilay ang bata. Ang galing magdahilan, ah. Sumimangot ito at inirapan na naman ako.

“Huwag mong tingnan ng ganyan ang bata,” suway sa akin ni Azul at siya naman ang inirapan ko.

“Kapatid mo ba iyan? Isasako ko ’yan. Ganyan na ganyan ang attitude mo,” wika ko.

“Ganyan lang talaga siya, hija. Hayaan mo na. Galit ’yan sa mga babaeng lumalapit sa Kuya Azul niya,” sabi ni Lola Molai.

“Hindi ko naman po kakainin ang kuya niya, Lola,” ani ko at napatikhim pa ang katabi ko.

Masayang kakuwentuhan ang pamilya niya kaya naman hindi ko namalayan na marami na pala akong nakain. After that ay hinila na naman ako ni Azul. Siyempre binawi ko ang kamay kong hawak niya.

“Ihahatid na kita,” he volunteered.

“Pero gusto ko pang mag-stay rito, Azul.”

“May lagnat ka, oh,” aniya at hinawakan pa niya ang noo ko. Malakas na tinabig ko iyon.

His Ideal Girl (ONGOING)Where stories live. Discover now