CHAPTER - 15

13 0 0
                                    

RYZER

Kita ko ang anak naming naglalari dahil wala pa ang teacher niya.

Inutusan ko ang isang babaeng tauhan ni Mamita na kumbinsihin ang batang sumama sa kanya.

Rinig ko mula dito ang pinag uusapan nila dahil sa isang device na dinikit ko sa damit ng babae.

"Andun si kuyang guard ate dun ka magtanong" rinig kong saad ng anak ko

"Kaso baby di daw niya alam eh" saad ni Feli

"Tutal wala naman yung gurang naming teacher ngayon kaya sasama ako" napa iling nalang ako sa sinabi ng anak ko

"Gusto mo bang mag Jolly?" tanong ni Feli

"Jolly? Oo naman po para makita ulit yung loko lokong bubuyog na yun at masipa ko kasi alam mo binuhat pa niya ako kaya ayun nagsisigaw ako ng ahhh si bubuyog di lumilipad naglalakad lang" deri deritso niyang sabi kaya hiningal pa sya

"Sige halika na" saad ni feli at inalalayan ang anak ko sa isang sasakyan na pagmamay ari ni Mamita.

"Dalhin mo sya sa penthouse ko" utos ko rito

"Yes sir" saad ni Feli

Dumiretso na ako sa office at alam kong nandun na si Beatrix ngayon at napag utusan ko na rin si Patrick na ipunta nalang sa Penthouse ko at nagreklamo pa tss.

Pagkarating ko sa opisina ay di ko mapigilan na halikan sya sa labi.........





Nagluluto ng merienda sina Beatrix at Vivien sa kusina habang si ang isa naman nilang kasama ay lumilingkis na parang ahas kay Wendelleson.

"So you mean isa kang bakla?" tanong ni Edward

"A-ouch, bakla talaga? Di mo man lang sinabing isang magandang kaluluwa na napunta sa isang wangis ng lalaki?" maramdam niyang saad habang kala mo nasasaktan

"Tang*na ka orbs nagselos ka sa isang bakla" malakas na tawa ni Wendelleson

Busy silang tatlo sa pag aasaran habang kami ng anak ko ay busy rin na nanonood sa ipad na binili ko para sa kanya.

"Mukhang mauuna ulit si Kuya Ry magka baby kesa atin "nakangusong saad nito habang nakatingin sa amin ni Xie

"Bagal niyo kasi" biro  ko at babatuhin na sana nila ako ng unan ng sumabat ang anak ko

"Daddy look oh" saad niya at pinakita sa akin ang mga kalabaw na galing sa isang sikat na app

"That's carabaos" i said

"Oo nga po daddy alam ko naman po yang mga yan pero daddy diba mayaman ka?" saad niya na nagpakunot ng noo ko

"Yes and why?" takang tanong ko

"Daddy pwede ka bang bumili ng more more more more glutathione para sa mga kalabaw? Kasi feel ko po yung inggit nila sa mga cow na mapuputi kasi  tuwing dadaan kami nakikita ko lagi yung kalabaw ni Mang Erni na nakatingin sa Cow nila Joseph na maputi" mabilisan niyang sabihin kaya natawa kami ng mahina

"Breathe baby" saad ko dahil hinahabol niya hininga niya pagkatapos nitong magsalita

"Ba't kayo tumatawa? Wala namang joke yung sinabi ko ah" saad niya at ang nguso niya ay kumukurba na parang iiyak na

"N-no baby hindi kami tumatawa" saad ko at sinamaan ng tingin ang dalawa kong kaibigan na lihim na tumatawa habang si Paui naman ay naiiling

"T-tumatawa k-kayo eh b-bad kayo" sumisinghot na saad niya saka nagmadaling bumaba sa kandungan ko

Agad syang nagtungo sa kusina na kung nasaan ay nandun ang dalawa. Sht mabilis palang mapikon ito.

"Yan tawa pa more" kantsaw ni Paui sa amin

"Bakit? Nakakatawa naman kasi dahil pag gagamitin nya daw ang mga kalabaw ng~ ano na ngayon orbs?" saad ni Wendelleson habang tumatawa

Tumayo si Paui at nameywang sa amin harapan.

"Alam niyo boys pag ang bebe girl namin ang nagsuggest tinutugon nalang namin ng hindi tumatawa dahil pag yun nagtantrums at nag tampos sa inyo lalo kana Ryzer naku para kang nagpapapaamo ng maliit na dragon" sermon niya saka nagtungo sa kusina

Hayst mukhang may isa pa akong paamuhin ah. Di ko panga tapos sa Isang malaking Dragon nadagdagan pa ng maliit na dragon. Tsk.

"Hayst ang pamilyang dragon" saad ni Edward

"Totoo yan orbs kasi yung isang dragon andito din eh" sabi ni Wendelleson saka tumawa ng malakas







Ilang sandali pa ay dumating na silang apat at ang mag-ina ko ay masama ang tingin sa akin. Mas lalo na ang anak kong namumula pa ang mata dahil sa iyak.

Inilapag nila ang letche flan at turon sa harapan namin. Tumayo ako papunta kina Beatrix ng yumakap ang anak ko sa leeg nito.

"Baby sorry na di na po mauulit yun" lambing ko sa anak ko

"Nakausap ko na po ang bilihan ng gluta na sinasabi mo at nag order na ako ng 1,000 pieces" saad ko sa kanya

Habang nagluluto kasi sila kanina ay chinat ko si Mamita at sabihin na mag order sa kilala nitong gumagawa ng mga pampaputi at nagpaorder rito.

Tinawanan pa nga ako ni Mamita at sinabihan na nakahanap na daw ako ng katapat ko sa tigas ng ulo.

Rinig ko ang pagpipigil nila ng tawa kaya tinignan ko sila ng masama.

Humarap ang anak ko sa akin habang lumuluha. Ansakit palang makita mo ang sarili mong anak na umiiyak kahit na maliit na bagay lang.

"Tahan na po" saad ko sa kanya

"Talaga po nag order po kayo ng gluta" ssaad niya saka sumisinghot

"Opo" saad ko sa kanya

Nagpakarga ito sa akin at yumakap kaya natawa naman si Vivien.

"Ate ba't ganun nung saatin sya nagtampo halos dalawang araw tayong di kinausap niyan" natatawang ani ni Vivien

"True saka tatakbo agad niyan kina Mudra o kay Lola Seldang tas sya dalawang oras lang ok na hmmp" saad ni Paui

Iginiya ko sila patungo sa akin at ang walang hyang Wendelleson halos naka dalawa na sa leche flan saka naka lima na sa turon.

"Tagal niyong magdrama eh" palusot niya at kumain ulit

Tahimik lang kaming kumakain ng tumunog ang cellphone ni Beatrix.

"Sino yan?" tanong ng kaibigan niyang si Paui

"Si Jeric lang" saad niya at tumayo na

Pumunta ito sa may bintana saka lumabas at doon kinausap ang Jeric kuno.

"Sino yun?" tanong ko sa kanila

"Kaibigan ni Ate Trix at kasyosyo narin sa shop" saad ni Viven habang magkatabi sila ni Edward

"Slash manliligaw" sabat ni Paui na nagpawalang gana sa akin.......


A/N
Hayst minsan talaga isang upuan lang ang ginagawa ko sa ibang chapters tas meron naman yung halos abutin ako ng tatlong araw. Sa mga nagtataka o di maintindihan ang story ko ay parang FPJ's Batang Quiapo lang hehehe pag may naisip akong scene sulat agad minsan may ilalagay akong mga character na naman pero don't ya worry dahil hindi naman ito aabot ng 6years gaya ng batang quiapo hehehe choss. Basta po baka hanggang 30+ chaps lang po ang balak kong gawin dito or baka mas higitan ko papo hehehe. Thank you po sa lahat ng nagbabasa. Luvlots.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
🤍🤍🤍

My Ex-Husband Obsession Where stories live. Discover now