CHAPTER - 06

16 0 0
                                    

RYZER

Agad syang tumakbo patungo sa banyo at rinig ko pa ang pag-lock ng pinto. Rinig ko ang hikbi niya mula sa banyo kaya nasasaktan din ako sa mga pinaggagawa ko sa kanya noon.

Matapos kong marinig lahat lahat ng sinabi niya ay para bang may hinihintay pa akong aminin niya na di ko alam kung ano.

Nagbihis na ako at bumaba na alam kong kailangan pa namin ng spaces ngayon kaya pababayaan ko muna sya doon........







"AHHH BWIS!T" sigaw ko at pinagtatadyakan ang mga gamit sa loob ng kwarto

Pagkauwi ko sa bahay ay hindi ko na maramdaman ang presensiya ni Beatrix kaya agad akong naghalughog sa bahay pati sa kwarto pero ang nadatnan ko nalang ay ang isang brown envelope at naglalaman yun ng Divorce Paper.

Dahil sa inis ay pinag hahagis ko pati ang kama ay nakabaligtad na.

"HINDI MOKO PWEDENG IWAN BEATRIX" sigaw ko at ang vase naman ang sinunod ko

Sa di malamang dahilan ay nakaramdam ako ng sakit sa puso ko. Hindi niya ako pwedeng iwan.

Umiinom ako ng al*k ng dumating si Mamita na galit ang itsura, ano pa bang bago?

Nadatnan niya akong katabi ang mga boteng wala ng lamang al*k. Di ko alam ba't para akong nagluluksa, diba dapat masaya ako kasi wala ng bwis!t sa buhay ko?

Wala ng susunod sa akin pag pupuntahan ko si Kylie.

Wala ng makulit sa paligid ko.

Wala ng iyak ng iyak.

Pero putang!n* bakit ang nararamdaman ko kabaligtaran?

"Akala ko nagpapakasaya kana dahil wala na ang asawa mo......pero bakit parang iba ang nakikita ko?" kalmado pero ramdam ko ang pagka inis sa akin ni Mamita

"Parehong pareho kayo ng ama mong walang hiya" diin nitong sabi at sinipa ang bote na nakaharang sa paanan niya

My Ex-Husband Obsession Where stories live. Discover now