CHAPTER - 14

12 0 0
                                    

BEATRIX

Gulat ang bumalatay sa mukha ko ng makita ko ang ngisi ni Ryzer habang hawak ang brown envelope.

"R-ryzer" nauutal kong sabi

"Ito ang ebidensya na ANAK. KO. talaga si Trixxie Ryley Mavis Huxley" saad niya at pilit na inaabot ang envelope sa akin

Kinuha ko ang envelope kahit na nanginginig ang kamay ko. Pagkalabas ko ng papel mula sa envelope ay naiyak nalang ako.

99.98%

"Ngayon sabihin mo sa akin ang rason kung bakit di mo man lang sinabi sa akin noong nasa isla tayo ang totoo" kalma niyang sabi

Dumako ang tingin ko kay Xie na masayang naglalaro ng mga laruan niya kaya mas lalo akong naluha. Tinitigan ko si Ryzer na lumuluha at lumapit.

"R-ryzer p-please w-wag mong k-kunin ang a-anak k-ko p-please" pagmamakaawa ko sa kanya habang umiiyak

"In one condition baby" tumango tango ako kahit alam kong malaki ang hihingin niyang pabor sa akin

"Dito na tayo titira ng anak natin nang magkakasama" pabulong na sabi nito sa tenga ko





Pumayag ako alang alang sa anak ko. Hindi na kami pumasok sa trabaho dahil nagbonding na silang dalawa. Agad din napalapit ang anak ko sa ama niya.

"Daddy ang cute oh?" saad ng anak ko at ipinakita si Doraemon

"Mas cute ka dyan" saad naman ni Ryzer saka pinisil ang ilong nito

"Mommy si Daddy pisil pisil na naman ilong ko" nakabusangot na sumbong nito sa akin

"Cute mo kasi" saad ko sa kanya

"Daddy cute din ba si Mommy?" tanong niya kay Ryzer kaya napatingin sya sa akin

"Oo naman saka maganda pa" saad niya habang nakatingin sa akin

Sandaling naging tumahimik ang pagitan namin habang ang anak namin ay patuloy lang sa paglalaro.

"Ahm mag luluto pala ako ng merienda" saad ko at dali daling tumayo

Nagtungo ako sa kusina saka tumingin ng pwedeng iluto at ng may makita akong potato fries doon ay yun nalang ang kinuha ko dahil favorite ito ng anak ko.

Habang naghahanda ng pagkain ay napa igtad ako ng may yumakap sa akin at umaamoy na naman sa batok ko.

"Hindi na kita pakakawalan" bulong nito sa akin

"R-ryzer nagluluto ako" suway ko pero tumawa lang ang g*g0

"Ang cute ng anak natin" saad niya habang nakayakap sa akin

Pinaharap niya ako habang ang mga kamay nito ay nasa bewang ko at dahan dahan hinahaplos ito. Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib nito para sa konting distansya namin na kinatawa nito.

"Ipinatigil ko na ang gaganaping kasal namin ni Kylie" saad niya sa akin

"B-bakit?" kinakabahang tanong ko

"Kasi may asawa na ako" nakangiting sagot niya

"At ikaw yun" saad niya at walang sabing hinalikan ako

Patuloy lang sa paghalik sa labi ko at ang dalawang kamay ko ay nilagay pa niya sa batok niya. Napatigil lang sya ng may sunigaw na maliit na boses sa amin.

"AYY P*RN" sigaw ng anak ko kaya natulak ko si Ryzer

Nakita ko ang anak ko tinatakpan ang maliliit niyang kamay ang mukha nito pero magkahiwalay naman ang daliri.

Lumapit ako rito at lumuhod para magpantay kami.

"Xie saan mo natutunan niyang salita na yan?" mahinahon kong tanong

My Ex-Husband Obsession Where stories live. Discover now