CHAPTER - 04

20 0 0
                                    

BEATRIX

Makalipas ang araw, linggo at buwan ay madami na akong napabago sa bahay namin nila Inang at malaki na rin ang tyan ko at malapit ko narin syang makita.

Inaamin kong naisipan ko syang tanggalin sa mundo pero ng dahil sa mga taong nagmamahal sa akin ay nagbago ang isip ko.

May napatayo narin akong maliit na bake shop hindi naman gaano kalaki pero malaki ang kita kaya makakapag ipon pa ako.

"Hayst girl handa na talaga akong makita ang inaanak ko" oa na sabi ni Paui

"Baka umiyak pag makita ka kaya pag nanganak si Ate Trix wag kang magpakita dahil iiyak si baby" biro ni Vien na nakapag irap ng biro kay Paui

"Palibhasa di ka crush ng crush mo" pang aasar ni Paui at naupo sa tabi ko

"Atleast di ako pinerahan" sabi naman ni Vien at dumila pa kaya ayun nag bangayan na naman sila

Last month kasi nagkaroon ng boyfriend si Paui kaso pera lang pala no Paui ang mahal ng lalaki kaya ayun uminom ng sandamakmak na al*k.

Tatayo sana ako para kumuha ng tubig ng maramdaman kong sumakit ang tyan ko.

"A-ahh" daing ko ng mas lalo itong sumakit at may naramdaman narin akong umagos na tubig sa paanan ko

"V-VIEN, PAUI" tawag ko sa kanilang dalawa na agad naman pumunta si Paui sa akin

"Problema mo?" nakataas kilay niyang tanong, baklang to nakuha pang magsungit

"Y-yung t-tyan k-ko" sabi ko habang hawak ang tyan ko

"I-diatabs mo nalang yan" sabi nito

Pasalamat to at wala akong lakas na batuhin to ng tsinelas. Dumating naman si Vien at nanlaki ang mata ng makita ako.

My Ex-Husband Obsession Where stories live. Discover now