CHAPTER - 07

18 0 0
                                    

RYZER

Tatlong taon ang nakakaraan ng umuwi kami ni Kylie sa pilipinas and nothing change mausuok na kalsada, street vendors na hinuhuli dahil nagtitinda parin kahit bawal na.

Na stock kami sa daan dahil sa sobrang traffic. Pilipinas nga naman.

"Argh ba't ba ang traffic" iritang sabi ni Kylie habang nakaharap na naman sa make up niya

"Kasi ma'am maraming sasakyan kaya traffic" napangisi nalang ako ng sagutin siya Ricky na driver ko

"Heh" irap ni Kylie

Nakatanaw lang ako sa labas ng may kumatok sa bintana ng kotse ko.

"Oh My God ba't ba may mga ganyang tao" gulat na sabi ni Kylie sa pagkatok ng bata sa bintana

Binuksan ko ang bintana ng kotse saka sya tinignan. Isang batang sobrang payat, gusot gusot ang damit, may hawak na paninda imbes na papel at ballpen ang hawak. Tsk.

"Ser, ma'am bili kayo ng mani" alok sa amin ng bata

"Actually No kasi baka marumi yan no hmm" napabuntong hininga nalang ako ng si Kylie ang sumagot

"Bata ako bibili ako ng tatlo niyan" tawag ni Ricky saka naglabas ng isang daan

"S-sir wala po akong barya, tag limang piso lang naman ito eh" sabi ng bata

"Sayo nayan sukli bata" sabi ni Ricky

Pinapanood ko lang sila lalo na ang bata lalo na ng makaalis ito at lumapit sa babaeng may batang dala.

Pero ganoon nalang ang gulat ko ng makita ko sa side mirror ang babaeng tumawag sa batang tindera.

"Beatrix" bulong ko na kinalingon sa akin ni Kylie

"What?" taas kilay nitong tanong kaso di ko na pinansin pa

My Ex-Husband Obsession Where stories live. Discover now