CHAPTER - 13

14 0 0
                                    

BlackLilypadsthank you po sa pag follow. Luvlots po 🤍🤍🤍

BEATRIX

Nagulat ako ng sabihin yun ng bisita ni Vien. Pero agad din ako napabalik sa ulirat ng  hilahin ni Vien ang lalaki.

Napayakap ako sa anak kong naguguluhan ngayon.

"M-mommy teka ang init eh" reklamo nito pero binuhat ko lang sya saka dinala sa loob ng bahay

Pagkadating sa loob ay sa kwarto kami dumiretso habang yakap yakap ko sya.

"Mommy why? Why you look so scared?" inosenteng tanong ng anak ko

"Anak makinig ka ha" saad ko at tumango naman sya

"Sa akin ka lang maniniwala at kina Minang mo saka kina Lola Selda at Nay Cora ah" saad ko habang may kaba sa dibdib

"Opo mommy" saad naman ng anak ko saka ako niyakap

Hindi ko kayang mawala ang anak ko sa akin, hindi ko kaya......




Kinagabihan ay nakatanggap ako ng text message from unknown number.

From Unknown Number:
I miss you

Saad sa text kaya nagtaka ako kung sino ito pero ng maalala ko na alam na lahat ni Ryzer ang tungkol sa akin ay may kutob na akong sya ito.

To Unknown Number:
Sino to?

Tanong ko sa  text at agad naman syang nag reply sa akin.

From Unknown Number:
You're husband

Agad na kumalabog ang dibdib ko sa text nito sa akin at magrereply na sana ako ng may sunod syang itext ulit sa akin.

From Unknown Number:
See you on Monday i have a surprise to you 🧬

Text niya na may kasama pang emoji na ewan ko kung ano yun pero bigla nalang akong kinabahan ng ewan.

Humiga na ako at niyakap ang anak kong mahimbing ng natutulog. Bahala na ang iba mag asikaso ng mga ibang orders sa shop dahil may mga nka assign naman bawat trabaho.

Nakwento ko narin kina Vien ang nangyari sa akin at syempre naging oa na naman ang bakla. Ganun din ang pagtatrabaho ko sa kompanya ng mga Huxley at nag aalala din sila sa akin.





Madaling lumipas ang isang linggo at ngayon ay naghahanda na ako para sa pagpasok ko sa kompanya ni Ryzer.

Sa isang linggo kong nakasama ang anak ko ay sinulit ko na yun. Madami kaming ginawa gaya ng pamamasyal, paglalaro at pagsagot sa mga tanong nito na ewan ko kung saan niya nakukuha.

Gaya noong isang araw na kung hindi pa dumating order namin ay nag iisip parin ako ng isasagot sa tanong niya......

"Mommy may lahi po bang aso ang mga baka?" takang tanong niya habang hinihintay ang order naming dessert

"Huh? Wala naman yata anak"saad ko sa kanya

"Eh? E bakit nung nagpakita ng mga picture si teacher ng cow may nakita akong dalmatian parang iba't ibang kulay yung isang cow may black may white may roong pang brown" saad nito sa akin na pinapakinggan ko nalang

My Ex-Husband Obsession Where stories live. Discover now