CHAPTER - 02

23 0 0
                                    

Warning: ANG SCENE NA PO ITO AY MAY TEMANG S3XΠAL H*RR*SM3NT KUNG SENSITIV3 PO KAYO PWEDE NIYO PONG LAGPASAN OR I-SKIP ANG SCENE NA YON.

BEATRIX

Matagal na rin akong nandito sa isla ni Ryzer at napatunayan kong nagbago na ito o pakitang tao lang niya ito.

Inaamin ko sa sarili ko na kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya pero kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko lalo na at meron na syang asawa.

Ewan ko ba kung bakit niya ako dinala dito at anong pakay niya sa akin.

Dapat ba akong mapanatag o mangamba? Lalo na at talagang pursigido syang dito muna kami hangga't hindi pa ako bumabalik sa kanya.

Magkaparehong magkapareho talaga sila lalo na sa mukha.

Mas lalo tuloy akong nag aalala na baka pati sya ay madamay.

Wala itong alam at wala na akong balak sabihin pa sa kanya.

Pero takot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa kanya sya nalang ang meron ako.

Wala akong pakealam kung bumagsak man ang mga kompanyang pinagtatrabahuan ko o di ako matanggap sa mga trabaho ang mahalaga ay hindi niya makita ang kinakatakutan ko dahil hindi ko kayang mawala ang pinaka iingatan ko.

Naramdaman kong may mga kamay na gumagapang sa tyan ko at pagdampi ng labi nito sa balikat ko.

Di na ako nagugulat pag ginagawa niya yun dahil lagi lagi naman niya ginagawa sa akin yun.

"Andito ka lang pala" masuyong sabi nito

10PM na kasi at dahil di ako makatulog ay nagpunta muna ako sa balcony at tinignan ang mga bituin na sobrang kinang sa kalangitan at ang buwan na bilog na bilog ngayon.

"Di kasi ako makatulog" sabi ko habang nakatanaw parin sa buwan

Tahimik lang kaming nakatanaw sa kalangitan at hinayaan nalang syang nakayakap sa akin dahil sa tuwing tatanggalin ko naman ay hihigpitan niya.

Di ko parin nakakalimutan ang nangyari kaninang umaga. At nakapat*nga ko rin kasi humalik din ako pabalik.

"Thinking something or someone?" mahinang tanong niya

"R-ryzer diba m-may c-cellphon k-ka?" kinakabahang tanong ko

"Hmm" sabi nito

"Pwede ko bang hiramin?" tanong ko sa kanya

"Bakit? Sino ba kakausapin mo?" tanong niya na kinaba ko

"T-tatawagan ko lang sana a-ang kaibigan ko para sabihing a-ayos lang ako" sabi ko sa kanya

"Bukas nalang ok?" sabi nito sa akin na kinatango ko

"M-matulog na t-tayo" pagkasabi kong yun ay agad niya akong binuhat na pa-bridal style kaya napakapit nalang ako sa leeg

Dinala niya ako sa kama at hinay hinay na inihiga doon. Nagulat ako ng agad din syang humiga sa tabi ko at niyakap ako kasi dati ay hahal!kan muna niya ako o papat0ng sya sa akin. Hindi ko naman sinasabing gusto ko pero nakakabigla lang.

"I love you" huling rinig ko ng nilamon na ako ng antok






Pagkagising ko ay bumaba na ako at nagluto ng pagkain namin akala ko nga kahapon di niya kakainin ang mga niluto ko kasi dati naman ayaw niya at tinatapon niya lang ang mga niluluto ko noong.......ugh nevermind.

My Ex-Husband Obsession Where stories live. Discover now