XVIII

188 15 3
                                    

FRANELLEY ANN



Hindi ko alam kung anong trip ng mga kapatid ko at ni tatay sa akin. Nasa interogation room ako ngayon. Dito nila ako nilagay pagkarating namin dito sa agency. Nagtataka man pero wala akong nagawa. Wala si nanay, wala akong naging kakampi. Nagpaiwan kasi siya sa mansion. Wala rin sa akin ang phone ko dahil kinuha nila. Para na tuloy akong criminal dahil sa ginawa nila.

Nakadukmo ako sa mesa habang naghihintay sa kanilang pumasok uli sa kwartong ito. Nabobored na ako dahil wala akong kausap at ilang minuto na rin ako rito.

Maya-maya pay biglang bumukas ang pinto kaya napaangat ako ng ulo. Pumasok si tatay, kasunod niya si ate Franz at kuya Frankie. Himala di sumama ang dalawang yun. Mukhang seryoso ang magiging usapan namin talaga at hindi ito trip lang kasi ang seryoso ng mukha ni tatay.


"May kasalanan po ba ako , tay?"agad na tanong ko sa kanya pagkapasok pa lang.


Naupo muna ito sa silyang nasa harap ko at seryoso akong pinagmasdan. Yung kilay niyang laging parang nag-aabot kahit di naman siya galit, tuluyan na talagang nag-abot sa tingin ko ngayon.


"Ano si Bella para sayo, Elley?"seryosong balik tanong niya sa akin.


I gulped hard dahil sa tanong niya. Di ko inaasahan ang tanong niyang yun.

Yumuko lang ako at naglaro sa mga daliri ko bago ako nagsalita.


"I – I , I like her tay."


Naihampas ni tatay ang kamay niya sa mesa pagkarinig niya sa sagot ko."Nak nam put* naman Elley! I warned you sa simula pa lang diba?! Wag mong haluan ng kung anong emosyon ang trabaho mo!"galit na sigaw ni tatay.


Napaigtad ako sa ginawa ni tatay. Nakayuko lang ako dahil hindi ko siya kayang tignan sa mga mata. Napatayo pa si kuya Frankie na kanina lang ay nakaupo sa gilid ng mesa dahil sa ginawang paghampas ni tatay.


"Why of all people sa kanya pa , Elley?"hindi makapaniwalang tanong naman ni kuya Frankie.


"Hindi ko naman sinasadyang mahulog sa kanya."nakayukong saad ko. "I like her simula pa nung bata pa kami. Pinipigilan ko ang sarili kong wag mahulog sa kanya but I failed.She's so clingy all of a sudden nung panahong kami lang ang pwedeng magkasama."giit ko.


"Bunso, hindi pwede yung gusto nyo lang ang isat-isa. Dapat may pundasyon kayo o ikaw! Paano kung hindi ka gusto ni tito Armand para sa kanya? Paano kung gagamitin ni tito Armand ang kakayahan niya laban sayo o kaya sa atin? Mas makapangyarihan pa rin ang pamilya ni Patricia kesa sa atin bunso, tandaan mo yan."mahabang paliwanag ni ate Franz sa akin.


Napaisip ako bigla sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Parang pinagkaisahan nila ako. potek.


"Wag mong pangarapin ang isang Arrabella Patricia Sy, Elley. Hindi mo alam kung anong kayang gawin ng ama niya pag nalaman niya yang nararamdaman mo para sa anak niya."babala ni kuya Frankie sa akin.


"Binabalaan kita Elley, itigil mo yang kahibangan mo! Maghanap ka na lang ng iba. Wag lang si Patricia."saad ni tatay bago tumayo at akma na sanang umalis.

The BodyguardWhere stories live. Discover now