XI

205 20 1
                                    

FRANELLEY ANN


Hindi ko alam kung ano na naman nagawa kong mali sa kanya dahil tinutuyo na naman siya.

She was just so ok kanina tas ngayon naghihimutok na naman ang botse niya.

Papunta kasi ako ngayon sa kwarto ni Ara dahil ipinatawag niya ako at alam kung tinutuyo na naman siya dahil binalaan ako ng katiwala nilang tumuwag sa akin.

Kumatok muna ako sa pintuan ng kwarto niya saka ako pumasok.


"What took you so long?! Kanina pa kita pinatawag ah!"tanong agad niyang may himig na inis ang boses.


Sabi na eh. Tono pa lang ng boses , alam mo nang may tuyo na naman ang mahal na prinsesa. Kahit nakatalikod siya sa akin, alam kong nag-abot na naman ang mga kilay niya.


"Kausap ko kasi po ang kuya Aedan mo dahil may ibinilin lang."nakangiti kong saad sa kanya kahit di naman niya ako nakikita dahil nakatalikod siya sa akin.


Nag-abot nga ang mga kilay neto at nakahalukipkip pa siya ng humarap sa akin.


Tumaas maya-maya ang mga kilay niya na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "May ibinilin o sadyang nakikipagharutan ka lang doon sa kanya?"


I raised my one brows dahil sa tanong niya


Where the heck she got that idea naman?


Nagtataka ko siyang tinitigan.

Simula noong dumating kasi galing UK ang kuya niyang  si Aedan , one month ago, sa tuwing nagkakausap kami o kaya'y magkakasiyahan, laging nasisira mood niya.


Bigla-bigla ba naman akong tatawagin at aawayin lang ng walang dahilan.

Tulad na naman ngayon. She sounds like a jealous girlfriend.


"Are you jealous, young lady? Cause you sound like one."sarkastikong tanong ko sa kanya.


"No, I'm not!"deny niya pero halata naman.


I chuckled. I raised my brows then, and crossed my arms and stared at her. "Ow? Really? Labas ilong young lady."I give her a smirk bago nagpatuloy sa pagsasalita. "You know what? Napapansin ko lang lately, young lady huh, bakit ba ang init ng ulo mo sa akin kapag may nakakahalubilo ako or nakakausap man lang na lalaki? Anong meron?" nakakalukong tanong ko sa kanya.


Shock is written all over her face pero agad rin naman siyang nakabawi. Kapagkuway yumuko siya at nagsalita.


"I-im not jealous! It's just that, ahhmm,, it's just that, I'm not com'ftable seeing you talking to a man. Cause you know naman."napayukong saad nito atsaka umupo sa kama niya.


Napabuntonghinga ako.

Yeah! Yeah!

It's been a month na since that incident happen. She change a lot since then. Siguro dala ng trauma dahil sa nangyari, wala na siyang tiwala sa mga lalaking napapadikit sa kanya or kahit sa akin.

Kaya everytime na may lumalapit sa akin, nagagalit siya sa mga ito o kaya ay sa akin lalo na't kakausapin ko. Hindi ko alam kung bakit kasi di naman ako ang may trauma because of what Ken did to her. Mas worst yung sa kanya dahil kahit daddy at kapatid niya ang lumalapit sa kanya,bigla siyang magpapanic. Kaya tanging ako o kaya si nanay lang pwedeng lumapit sa kanya. Kami lang ni nanay ang pinagkakatiwalaan niya sa ngayon.

Nagkaroon siya ng Androphobia. It triggered nung minsang lapitan siya ng daddy niya para sana yakapin pero bigla siyang naghistirikal. She also had nigtmares dahil sa nangyari.

Pinatignan siya ng kanyang daddy sa isang spesyalistang kilala nito and we found out that she's experiencing that trauma because of what had happened to her. Sino ba naman ang hindi , diba?

Kaya binalaan ako ng daddy niya na wag na wag akong malilingat o mawawala man sa tabi niya. We had a talk that night after they arrived from UK.

Pero sa ngayon unti-unti na niyang nako-cope up ang takot niyang yun.Kaya na niyang makipag-usap sa mga Kuya niya o sa daddy niya ng malapitan basta wag lang siyang hawakan nito.

Since then , she never leave by my side. Ako lagi tinatawag niya kahit andyan si nanay. She was then so attached with me, though that's my job na protektahan siya, kaya lagi akong andun pag may kailangan siya pero minsan nakakairita na dahil pati ako damay sa nangyayari sa kanya. Sukat ba namang pagbawalan niya rin akong makipaghalubilo sa mga lalaki. Anong konek ko ba naman sa kanya?


"Stop it, young lady. Hindi na nakakatuwa yang pinaggagawa mo, alam mo ba?"naiiritang saad ko sa kanya. "Your crossing the line of limiting me to the people o sa mga taong nakakasalamuha ko.Pinapapunta mo lang ba ako dahil sa nakita mo kanina?"tanong ko sa kanya.


Tumango siya ng dahan-dahan.

Naisuklay ko ang daliri ko sa buhok ko.


"We're just talking back there, Ara! Anong masama dun? God! Why do I have to explain myself to you?!"napahawak ako sa sintido ko out of frustation.


"Bakit ka naninigaw?"pagtatampong tanong pa nito. "Bakit kasi nakikipag-usap ka sa kanya na para kayong magjowa?"dagdag niyang tanong.


"What?"kunot-noong tanong ko sa kanya.


"I'M JEALOUS!OK!" balik na sigaw niya sa akin.


I'm taken aback. Napanganga ako sa sinabi niya. Wala akong naging reaksyon maliban sa pagkunot ng noo ko. Iba pa rin pala pagmismong sa bibig niya manggaling ang tamang hinala mo.


"I'm jealous everytime you and Aedan were talking or you are talking with someonelse. I'm jealous of the way how you two treat each other. It's like you two had a secret relationship!"buong tapang na sabi neto. "I don't know why I feel like this but this is what I feel and I think if I will not say it, I might miss the chance of saying it. Hindi ko alam pero nasasaktan ako."dagdag neto na parang may namumuong luha sa mga mata niya.


Napailing ako dahil sa mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Baka naguguluhan lang siya dahil sa pagiging close namin bigla.


Napayuko siya pagkatapos niya sabihin iyon. "Maybe because I , I ....."bumuntonghininga muna siya bago nagtaas muli ng ulo niya at nagpatuloy sa kanyang sasabihin.


"I think I like you."

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon