XVII

144 13 1
                                    

FRANELLEY ANN



I immediately called her dad. Nasermonan pa ako. Potek.

I also called Frederick to ask some assisstance sa agency namin. I told him what happened while nasa byahe kami. Nagpaconvoy na rin kami ng mga police pag-uwi namin. Malakas talaga ang kutob kung siya yun ang nakita ko and Ara saw him too kaya nag trigger ang panic attak niya.

Pagkarating namin sa mansyon,kinarga ko na si Ara papasok ng mansyon dahil nakatulog siya. Nagitla pa ako ng mabungaran ko ang mga tao sa salas nila. Yumuko ako sa kanila para magbigay galang saka ako pumanhik sa taas papuntang kwarto ni Ara.

I laid her down immediately in her bed and fixed her sleeping position. After I assure that she's ok, I left and goes down to the living room.

Tatay , nanay , ate Franz, Kuya Frankie and sir Armand is on the living room waiting for me. Halos andito sila lang lahat, pati na rin sina Aedan and kuya-sir Aldwin.

"Good morning sir Armand!" I greeted him as I bow down my head as a sign of respect to him.

"Sit down Elley."baritonong saad nito. "Kumusta siya?"

Kasalukuyan itong nakaupo sa pang isahang sofa. Nakakaintimidate ng dating niya sa akin. Nanliliit tuloy ako sa sarili ko. Umupo ako sa tabi ni nanay na nakaharap kay sir Armand. Nakayuko lang ako habang nag-aantay sa sermon niya. Kararating lang nito galing London at ito agad ang bumungad sa kanya na balita.

"Ok na po siya. She had a panic attack kanina, nagtrigger ulit and I saw a sign na bumalik yung takot niya ulit sa mga lalaking nakapalibot sa kanya."saad ko at yumuko.

Narinig kong napabuntonghinga si sir Armand."What really happen Elley?"tanong ulit niya sakin.

Ramdam kong nakatitig siya sa akin at hindi ako nagkakamali ng mag-angat ako ng ulo ko at nag-abot ang mga paningin namin. Napakagat ako sa ibabang labi ko at muling napayuko.

"I'm sorry sir Armand –

"Just call me tito, hindi ka na rin naman iba sa amin. Your siblings called me tito, minsan nga lang. Sorry to interupt , now go on."putol nito sa sasabihin ko.

Tumango lang ako sa gusto niya.

"As I said po sir—I mean tito. I'm sorry. Di ko po alam yung totoong nangyari talaga. Natagpuan ko nalang kasi siyang nanginginig na nakaupo sa sahig ng CR kanina. Nagpaalam lang naman po siya na mag-cr muna daw siya then 10 minutes past di pa siya bumalik kaya sinundan ko na. I just thought kasi marami lang yung tao kaya siya natagalan."mahabang paliwanag ko habang nakayuko.

May isang envelope na biglang nilapag sa mesa. Pagtingin ko it was ate Franz who put it. She winks at me as if saying through her eyes "I got your back bunso" thing. I just knodded. Kaya nagsalita siya pagkatapos.

"Tinawagan ako ni Fred kanina pagkatapos niyang malaman ang nangyari from Elley. Elley told him na may nakita siyang pamilyar na tao kanina sa restau bago pa man niya makita si Bella sa cr na ganoon."saad ni ate habang iniisa isang ilabas ang laman ng envelope at ipinakita ito sa amin. "Hindi siya nagkakamali sa duda niya. Kuha yan sa cctv ng restaurant na pinuntahan nina Elley at Bella."

Nagtagis ang mga bagang ni sir Armand ng makita ang laman nito. It was Ken Chan's picture. Kuha ito ng mga cctv sa loob ng restaurant na yun.

"And here's the other pictures na kuha naman sa labas ng condo mo Elley at sa university kung saan nag-aaral si Bella."pagpapatuloy ni ate habang may ipinakita pang ibang larawan sa amin. "These were a shots kuha last week, that means na last week niya pa kayo sinusundan."

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon