XV

218 14 1
                                    


Franelley Ann

Naiinip na akong nag-aantay kay Ara dito sa office ni Engrid kaya lumabas na ako. Kailangan ko na siyang puntahan kung saan man siya ngayon dahil ang alam ko kanina pa dapat tapos ang klase niya.

Saktong paglabas ko ay siya namang may pumasok kaya nagkabanggaan kami.

Naipikit ko ang mga mata ko ng magtama ang katawan namain pareho. Buti hindi masyadong malakas ang pagkabangga kaya walang nabuwal sa aming dalawa.

"A-austin?!" gulat na saad ko.

Nagulat rin siya kaya napaatras siya pero laking pagkakamali niya dahil na out of balance siya. Mabilis ang mga kamay kung hinawakan ang beywang niya at hinapit palapit sa akin para hindi siya tuluyang bumagsak.

Nagtama ang mga mata namin. We both shock kaya walang nakapagsalita sa amin.

"F-fran!" gulat niya ring saad.

Ilang minuto rin ang lumipas pero nanatili kami sa ganoong posisyon until someone cleared her throat.

"Ahem! Baka gusto niyo ng bitawan ang isat isa!" saad ng taong tumikhim sa likod ni Austin.

Saka lang kami nahimasmasan dalawa at napabitiw ako sa kanya.

"Oh! S-sorry Aus, my fault. G-grid! K-kanina ka pa jan?" nauutal kong tanong sa bagong dating.

"Anong ginagawa mo rito sa office ko?" nakahalukipkip na tanong niya sa akin.

"I was waiting for you and Ara. Nainip ako kaya lumabas na ako and it happens na Austin is at the door too kaya nagkabanggaan kami."mahabang paliwanag ko sa kanya.

Para akong batang may kasalanan na malaki sa kanya, sa taas ng pagpapaliwanag ko.

Tumawa siya ng malakas. I raised my brows dahil sa reaksyon niya.

"Parang kang ewan Fran kung makapag explain, tinanong ko lang naman bakit ka andito, andami mo ng sinasabi."saad niya habang tumatawa. Bumaling siya kay Austin na tahimik lang sa gilid."And you, why are you here? You're not supposed to be here!"nakataas pa ang kilay na saad niya kay Austin.

My brows furrowed dahil sa inasta ni Engrid. Why is she talking to Austin like that? I know she knows who Austin is pero kung umasta parang siya yung master ah. Well master nga siya, master nga minsan tawag ko sa kanya but to Austin? Impossible.

Parang may hindi sinasabi sa akin si Engrid. Somethings fishy between the two of them. Noong nakaraang linggo ko pa to napansin eh.

After ko kasi ihatid si Ara nung gumala kami, nakipagkita ako kay Engrid. They were together. Magkahawak pa ang mga kamay pero napabitaw ng makita ako.

Austin and I may not in good terms because of our past and we haven't talk that much yet since she came back but I can sense that I am not the reason why she came back.

I smiled as I thought it.

"Para kang asong ulol kung makangiti jan Fran, ah!" pukaw ni Engrid sa akin na may kasamang hampas sa braso ko.

"F-franey."

Mahina pero rinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. I saw her behind Engrid.

"A-ara?Kanina ka pa jan?"kunot-noong tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mukha niya. Para siyang maiiyak na ewan. Saka lang nagsink in sa akin, baka nakita niya yung kanina.

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon