II

269 13 0
                                    


FRANELLEY ANN

"Akoy tahimik lang dito sa probinsya, kaya wag nyo akong guguluhin."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko pagkatapos naming mag usap ni tatay at ni sir Armand. Ka video call ko lang sa kanila at ayoko sa ideyang mag aalaga ako nang isang pasaway.

Special request ako ni sir Armand. Sinabi ko nang ayokong mag bodyguard pero wala akong nagawa nang si tatay na ang nagsalita. Syempre ang laki nang respeto ko kay tatay, ang laki rin kasi nang tiwala niya sa akin. Malaki rin naman ang respeto ko kay sir Armand pero ayoko lang talaga na yung bunso pa niya ang babantayan ko.

Ang tahimik nang pamumuhay ko dito sa probinsya. Ok lang naman ang takbo nang resort namin dito, smooth sailing kumbaga. Marami rin namang mga toristang nagpupunta rito kahit nasa probinsya lang ito. Mas patok ang mga beaches and resorts dito kesa sa siyudad. Nasa bandang north side sa Cebu ang resort namin at patok ito sa mga toristang amerikano o kahit anong lahi dahil sa ganda nang buhangin at ang tahimik pa ng lugar.

Makipagkita na muna ako sa mga tropa ko dito bago ako aalis sa susunod na araw. Kailangan ko ring ihabilin ang resort pansamantala kay Maan. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko sa resort.

"Anong magandang hangin ang pumasok sa kukuti mo at pumayag ka sa kahilingan nang tatay mo?" tanong ni Maan nang magkita na kami sa resort.

3pm na at kasalukuyan kaming kumakain at nagpapahangin sa isa sa mga cottages ng resort ko habang inaantay yung ibang barkada ko. Isa rin kasi sa mga barkada ko si Maan at siya rin ang iiwanan ko sa pamamahala ng resort habang wala ako at di pa fix ang sched ko.

"Wala naman. Ikaw talaga, masama ba na pagbigyan ko na rin sina tatay sa gusto nila, total pinagbigyan na nila ang hiling kong dito muna mamalagi sa probinsya after akong nag graduate," mahabang litanya ko sa kanya.

"Weeeh? Di nga?" di makapaniwalang sambit nito

"Bro, anong meron? Bakit dito tayo at di dun sa place ko? mas maigi dun daming chix at alak..hehehe,"nakangising tugon nito saka pasalampak na umupo sa couch sa harap ko pagkadating niya.

Si Ran yan, isa rin sa mga barkada ko. May-ari nang bar sa kabilang barangay na lagi naming tinatambayan sa tuwing stress kami sa negosyo.

Binato ko nga nang throw pillow, hayun sapol sa mukha. Inom at alak lang lagi sa isip nito eh. Palibhasa nag iisang anak kaya sunod sa layaw at may sariling negosyo pa.

"Asan si Jana?" tanong ko kay Ran na kasalukuyang kinakain ang pagkain ko. Tssss , di pa ako tapos kumain ah.

"Hoy, mag order ka nga di sayo yan, akin yan. Walang libre sa resort ko noh?" nakasimangot kong saway dito at kinuha ko talaga ang plato sa kamay niya talaga. Syempre joke lang yung walang libre. Libre basta sila at mga staff at pamilya nang mga staff ko ang andito.

"Ewan sa babaeng iyon. Dadating yun mayamaya, para yung kabuteng bigla nalang susulpot! Trust me!" sabi nito sabay tayo at umalis papuntang counter para mag order nang kanyang pagkain.

"On the way na daw siya reply niya sa text ko FA,"sagot ni Maan sa tanong ko.
"Anyways, sure ka na ba jan sa desisyon mo? Di na ba mababali yan? takang tanong ni Maan sa akin.

Napalingon ako sa kanya. Ang seryoso nang mukha niya. Palibhasa halos kilala niya na talaga ako. Alam niya ang ayaw at gusto ko. Alam niya ring ayokong maging bodyguard lalo na sa pasaway na batang yun.

Graduate nga ako nang criminology pero di ko naman ginagamit. Nakapasa pa sa exam para maging pulis at tapos na rin sa mga trainings. Ok na ako kumbaga, pwede nang isabak sa digmaan pero ayoko, hanggang dun lang kaya ko para kay tatay. Di ako mahilig sa mga ganun, ayoko sa kursong kinuha nila para sa akin pero wala akong magawa mga magulang ko sila. Kaya nung maka graduate at tapos ko nang sundin ang gusto nila, ako naman ang humiling.

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon