VII

185 15 1
                                    

FRANELLEY ANN


Ang sakit ng ulo ko! Potek!

Di na nga nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kanya, di rin nakatulog ng mahaba dahil na rin sa kanya!

Sino pa bang makakatulog kung may ibang taong nakikitulog sa kwarto mo.

And on top of that nakakahiya kaya yung posisyon namin kanina bago pa man niya ako itulak.

I was on top of her! Gosh!

Nasa hapagkainan na kaming pareho dahil tinawag na kami para kumain.

Buti nalang talaga andito na si nanay dahil kung hindi, magkagulo talaga kaming dalawa. Kumbaga riot ang resulta.

Nilingon ko ang gawi kung saan siya nakaupo. Ang tahimik niya. Namumula pa yung mukha niya sa hiya dahil sa nangyaring kanina.

"Ang tahimik mo yata jan , young lady?"agaw pansin ko sa kanya.

Isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin dahilan upang matawa ako ng tuluyan.

"Paki mo ba?!"asar niyang baling sa akin.Bigla siyang tumayo. "I'm done here. Im going somewhere. Kung gusto mong sumama sa akin, sumama ka, wala akong pakealam. Wala rin akong pakialam kung hindi ka rin sasama, mas mabuti yun. Magbibihis lang ako dahil may pupuntahan ako."saad nito bago tumalikod at umalis ng tuluyan.

"Anong nangyari dun nak? Bakit umalis si Bella ng hindi pa tinatapos ang pagkain niya?"takang tanong ni nanay na dumungaw galing sa kusina.

"Ewan sa kanya! Baka nahihiya dahil sa nangyari kanina nay.!"natatawang saad ko sa kanya.

"Ano ba talaga nangyari bakit dun yun nakatulog sa kwarto mo?"tanong ni nanay sa akin.

"Hindi ko nga rin alam bakit napunta siya dun, sa pagkaka-alala ko, lasing siya kagabi, ng mahimasmasan na ay pinalipat ko nalang sa taas kasi ayaw niya matulog sa sala."mahabang paliwanag ko kay nanay.

"Bakit naman sa sala mo siya pinatulog?Inakyat mo nalang sana siya sa kwarto niya."

"Aba nay, ang payat-payat niyang babae pero ang bigat niya! Di na kinaya ng magandang katawan ko ang bigat niya!"reklamo ko kay nanay sabay pakita sa balingkinitan kong pangangatawan.

Natatawa siya pati na rin ako ng maalala ko ang nangyari kanina.

Di ko rin kasi alam bakit doon siya nakatulog.

"Nga pala nak, punta ka daw muna sa agency, may ibinilin sayo yung tatay mo, pakikuha nalang daw doon!"saad ni nanay

"Bakit nay, asan si tatay?"takang tanong ko rito.

"Sumunod na kay sir Armand mo sa UK. Nagpa-iwan lang yun kahapon dahil may inayos siya na mga importanteng papeles eh."sagot niya sa akin.

"Ok po."maikling sagot ko sa kanya. "Susundan ko lang yung isa nay, paaamuhin."natatawang sambit ko saka ako tumuyo.

Naiiling na natatawa si nanay dahil sa sinabi ko.


------

"YOUNG LADY!!" sigaw ko pagka-akyat ko ng hagdanan at papunta sa kwarto niya.

"What?!" sigaw ring sagot niya.

"Saan ang punta mo?" mahinahong tanong ko sa kanya pagkarating ko sa kwarto niya.

Napaigtad pa siya ng bigla akong pumasok.

"Shit!" gulat na sambit niya na nakawak sa dibdib niya. "Can't you just knock first before entering my room?!"singhal niya sa akin.

The BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon