XIII

212 11 0
                                    

ARRABELLA PATRICIA



Nagising ako sa sunod-sunod na katok kinaumagahan. Pupungas-pungas akong bumangon at nakapikit pang tumayo atsaka nagtungo sa pintuan para pagbuksan ang kung sino man ang kumakatok.

Di na ako nag-atubiling tignan ang sarili ko sa salamin dahil sunod-sunod na ang katok nito na para bang nagmamadali.

Nakapikit pa rin akong binuksan ang pinto atsaka muling tumalikod at pahikab na muling tinahak ang daan patungong kama.

"P-patricia?"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses na iyon. I know that voice! What the!

Lumingon ako sa kinaroroonan ng boses na yun. Nanlaki ang mga mata ko ng makumpirma ang tamang hinala ko.

"Aedan?"takang tanong ko.

Nawala ang antok ko. Si Aedan nga ang nasa pinto at nakatulalang nakatayo lamang doon. Pagtataka rin ang nakarehistro sa buong mukha nito.

Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasadan siya. What's with him? Why is he acting like that?

"What's with that face Aedan? You're ruining my sleep,don't you know?"naiiritang saad ko sa kanya atsaka siya tinalikuran ulit.

Sasampa na sana akong muli sa kama ng bigla na naman siyang magsalita.

"Why are you here in Franelley's room?"tanong niyang nagpatigil sa akin.

What? What is he talking about?

"What the heck you're talking about?"naiinis kong baling sa kanya.

"What are you doing here in Franelley's room?"dinahandahan pa niya ang tanong niya.

Nagtatakang inikot ko ang paningin ko sa loob ng kwartong kinatatayuan ko ngayon.

The heck? His right! I'm in another room! This is really not my room!

Napadako ang mga mata ko sa bultong gumalaw na nasa kama na nakatalukbong sa loob ng kumot at bigla itong bumangon.

"Ang ingay nyo, promise! Arggh!"angal nito saka bumangon. "Maaga pa Aedan! Wag kang mang -istorbo ng tulog! Lumabsa ka muna, please lang!"inis na sabi nito saka itinulak palabas ng kwarto si Aedan.

Nakatulalang pinagmasdan ko lang siya sa ginawa niya sa kapatid ko. Pagkatapos niyang isara ang pinto bumaling siya sa akin atsaka hinila pabalik sa kama. Pasalampak siyang dumapa ng higa sa kama. Naiwan akong nakatayo pa sa dulo ng kama.

"Matulog ka uli, young lady, maaga pa. Baka sasakit pa yang ulo mo."

Napaigtad ako ng muling siyang nagsalita. Nakatakip pa ng kumot ang ulo niya kahit nakasubsub na ang mukha niya sa unan. Tinap pa nya ang bakanteng espasyo sa tabi niya.

Nagpangat siya ng ulo niya at sumilip ng kunti sa kumot na tinakip niya sa ulo at tinignan ako ng hindi ako tumalima sa sinabi niya.

"Aren't you gonna sleep again, young lady?"tanong niya.

Paano ako makakatulog uli e, kanina pa dilat ang diwa ko dahil sa nangyayari.

"Seriously, Fran? Paano ako makakatulog uli eh, hindi ko naman kwarto to! And paano ba ako napunta rito?"seryosong tanong ko sa kanya.

"Ngayon ka pa talaga di makutulog e halos sakupin mo na tong buong kama kagabi tas naghihilik ka pa. 10 minutes and I will explain to you what happen paggising ko mamaya." inis na sagot niya saka muling nagtakip ngkumot at natulog.

The BodyguardWhere stories live. Discover now