VIII

324 134 25
                                    

ELVIRA / LIORA

Sa pagmulat ng aking mata ay isang silid na hindi sa akin pamilyar ang aking nakita. I was afraid that I might not wake up again, but what scared me more was that I was not in my own room. Kakaibang mga kagamitan din ang nakikita ko.

I was also lying on a soft bed. Kakaiba pati ang tela. Everything is different, it's like I'm stuck in ancient times. Ang mga gamit ay antigo ngunit napakaganda at matibay pa dahil kulay ginto ang mga ito.

Ano nga ba ang huli kong naalala?

All I know is that I was on the Lumina Cruise, we were attending Almira's birthday party. Kasama ko sina Mommy Mabel at Daddy Leonard. Hinanap ko pa nga ang mga kaibigan kong sina Cleobelle, but Adel came. Galit na galit pa nga niya akong sinampal.

She tried to kill me. Sumali pa ang mga kaibigan niyang bad influence at lulong sa pinagbabawal na gamot para gawan ako ng masama. We both fell into the sea because someone pushed us but unfortunately, I didn't see who it was.

I even remember how I was slowly running out of air, the pain was still in my chest bago ako nalunod. I couldn't get out, even though I wanted to scream and ask for help but I couldn't. Tandang-tanda ko ang naramdaman kong enerhiya na humahatak sa ‘kin at parang gusto akong dalhin sa pinakailalim ng dagat.

Pero nagising na lang ako na nasa ibang lugar na ako. Naalala ko ‘yung babae, pati na rin ang mga halimaw na tila gusto akong patayin. Lahat ng iyon ay alam kong hindi panaginip.

Nabura ang malalim kong iniisip nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Pumasok ang isang babae na may dalang puting tuwalya at bilog na palanggana.

Hindi ko siya kilala pero natatandaan ko ang kanyang mukha. Siya ang babaeng nakita ko nang imulat ko ang aking mata at natagpuan ko na lang ang aking sarili na nasa gubat na.

Ang mata niya ay mabilis na nanlaki nang makita niya akong gising at nakatingin sa kanyang gawi.

"Gising ka na pala, Prinsesa Liora!" aniya sa masayang boses.

Mabilis niyang inilapag ang palanggana at tuwalya sa lamesa bago siya lumapit sa akin. Naluluha pa niyang hinawakan ang aking kamay.

“Masaya ako na gising ka na. Akala namin ay mawawala ka na,” naiiyak niyang saad.

“Ano‘ng nangyari? Sino ka?” iyon agad ang aking katanungan.

I don't even really know her! The clothes she was wearing were different but elegant. It is a floor-length gown and is visibly made of luxurious fabric such as satin or silk. Ibang-iba ito sa sinusuot namin.

Nangunot ang kanyang noo. “Hindi mo ba ako naaalala?”

Nagsalubong na ang aking kilay bago ako marahan na umiling sa kanya.

“Nasaan ba ako? Bakit tinatawag mo akong Prinsesa Liora?” I asked.

Tinangka kong bumangon sa kama pero umigik ako nang kumirot ang aking tiyan. Tinanggal ko ang kumot na nasa katawan ko at kinapa ang kumirot sa akin. May benda ito.

“Huwag ka munang babangon at hayaan mo muna ang ‘yong sarili na mabawi ang iyong lakas. Malalim ang pagkakasaksak ng Erebos sa iyo. Ang ginamit niyang punyal ay may lason at lubha itong nakamamatay," pagkuwento niya.

“Erebos?”

Why does that sound familiar to me? But she became even more confused. Naupo siya sa gilid ng kama na hinihigaan ko habang nananatili siyang nakahawak sa aking kamay.

“Wala ka ba talagang naaalala?” tanong niya. Ang boses niya ay may bahid na rin ng pangamba.

Muli akong umiling.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Where stories live. Discover now