I

479 199 29
                                    

「  ELVIRA ANDERSON  」

"Mommy! Gusto ko nga po kasi 'yon!"

Kasalukuyan akong nasa sala, abala sa pagtipa sa aking laptop nang marinig ko ang matinis na boses ni Adel. Mabilis akong nag-angat ng ulo upang tingnan sina Mommy at ang kapatid ko. Pababa silang dalawa ngayon sa hagdan.

"Hindi nga pwede. Ilang beses ko ba 'yon sasabihin, Adel?" mahinahon na pagtanggi ni Mommy sa kagustuhan ni Adel.

Bumalik ako sa ginagawa ko, lalo pa't kailangan ko na ring tapusin ito dahil ipapasa ko na ito mamaya. It's past eight in the morning, and my class starts at 1:30 p.m. Lagot ako nito sa prof namin kapag hindi ko agad ito napasa. Mahigpit pa naman siya at ayaw niya na nali-late sa pagpasa once na nagbigay siya ng deadline.

Tiyak ay may hinihingi na naman si Adel kay Mommy. Ano na naman kaya 'yon? Bagong brand ng bag? Sapatos? Kilala ko kasi siya, mahilig sa mga materyal na bagay. Kung ano'ng meron ang mga kaibigan niya, gusto niya ay meron din siya.

"Pero, Mommy! Gusto ko nga po kasi 'yon. Sina Dianne nga ay meron na rin n'on!" pagtukoy niya sa mga kaibigan niya. Kulang na lang ay magpapadyak na siya at magwala sa harapan ni Mommy Mabel.

"Adel, 'di porke't mayaman tayo ay hindi na tayo magtitipid. Ang dami mo nang mga bags sa kuwarto mo. Lahat 'yon ay mga bago pa, pero ano ang ginagawa mo? Pagkatapos mong gamitin ng isang beses ay itatambak mo lang ang lahat ng 'yon sa kuwarto mo," mahabang saad ni Mommy.

So, bagong bag na naman ang gusto niyang bilihin? Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga si Adel. Lahat na siguro ng mga mamahaling bag na bagong labas ay gusto niyang bilihin.

"Eh bakit si Elvira, meron?" Bakas ko sa boses niya ang inis.

Nahinto ako sa ginagawa ko at bumalik ang aking tingin sa kanila nang marinig ko ang pagbanggit ni Adel sa pangalan ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "She has a bag that I want to buy, Mom. I saw that yesterday at our school! Bakit si Elvira lang ang binilihan mo?" may irita at halong inggit sa tono niya.

"I bought that bag with the money I saved from doing a part time job. Hindi ako humingi kay Mommy," sagot ko sa mahinahong boses.

"Oh, really? Ang sabihin mo, humingi ka lang kay Mommy, or maybe you used your special technique para maibigay ni Mom ang gusto mo. Aminin mo na kasi na kung ano ang gusto ko ay gusto mo meron ka rin," aniya kaya peke akong natawa.

"Sorry, my dear sister. I'm not like you. Sino ba sa atin ang may gusto ng bagong bag dahil 'yung mga kaibigan niya ay meron din n'on? Wala akong sakit na inggit, Adel. Huwag mo naman akong igaya sa 'yo," nakangisi kong sagot, but in a calm way kaya agad na nanlisik ang kanyang mga mata.

"Don't call me sister! Ampon ka lang naman! Sampid at palamunin!" asik niya.

"Adel!" sigaw ni Dad na kabababa lang sa hagdan.

And she was right, I was just an adopted child. Hindi na mababago 'yon, dahil iyon ang katotohanan. Kahit ampon lang ako ng pamilyang Anderson ay hindi naman ako palamunin. Lahat ng kabutihan, pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay nina Mommy at Daddy sa akin ay sinusuklian ko.

"Kailan ka ba titigil? Elvira is still your sister," ani Dad nang tuluyan siyang makababa.

"But she is not my real sister. Ni hindi ko nga siya kadugo. And I will never accept someone like her as a sister! Sino ba ang tatanggap sa kagaya niyang pulubi at palamunin?"

Those hurtful words from her mouth prompted Dad to slap her hard. Pareho kaming nagulat ni Mommy, pareho namin na hindi inaasahan 'yon. Napahawak na lang si Adel sa pisngi niya, gulat na gulat ang kanyang mukha habang nakatingin siya kay Daddy.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Where stories live. Discover now