VII

291 129 33
                                    

ELVIRA / LIORA POV

Sino siya?

Hindi ko siya kilala, at mas lalo na wala rin akong ideya kung nasaan ako. Kahit umiiyak ay nakikita ko pa rin sa maganda niyang mukha ang kasiyahan habang nakatingin sa akin. She looks happy that I'm still alive. Hawak din niya ang dalawa kong kamay.

Bigla na lang din akong napaubo, na para bang ngayon lang ulit ako nakalanghap ng hangin. Pakiramdam ko ay para akong namatay at muling nabuhay.

Pagkatapos ay inikot ko ang aking tingin sa paligid ko. I'm not familiar with this place, so where the hell am I? I expected to wake up in the hospital, but I didn't.

I know that I am not in heaven, and this place is certainly not hell. Pasikat pa lang ang araw at malinaw kong nakikita ‘yon sa kalangitan. Sigurado ako sa nakikita ko, nasa gubat ako dahil sa mga nagtataasang puno.

“Mahal na prinsesa, tumayo ka na. Kailangan na nating makabalik sa kaharian ng Aurorium,” iyak na saad ng babaeng ito.

Naguluhan ako sa kanyang sinabi.

“N-Nasaan si Kamatayan?” nahihirapan kong tanong sa kanya.

Iyon ang inaasahan ko, na may susundo sa akin na grim reaper. Imbis na si Kamatayan ang aking nabungaran, isang babae ang aking nasilayan. Isang babae na may mahabang suot na damit at kakaiba ang tela nito. Halata rin na mahaba ang kanyang buhok kahit na may suot siyang cloak.

“W-Wala ba ako sa purgatoryo?” tanong ko pa.

Nangunot ang kanyang noo, halatang naguguluhan siya sa binanggit ko. Kung wala pa ako sa langit o impyerno, baka ay nasa purgatoryo ako tulad ng sinasabi ng mga matatanda?

“Ano ang 'yong ibig sabihin?” Ang kanyang kilay ay magkasalubong na.

"Purgatoryo, ito ay nasa pagitan ng langit at impiyerno. Doon dinadala ang mga kaluluwa na kailangang linisin o mga hindi pa nakakatanggap ng parusa para sa kanilang mga nagawang kasalanan kaya dapat muna silang magsisi bago makarating sa langit,” pagsasalaysay ko upang maintindihan niya ang ibig kong sabihin pero mas lalo lang siyang naguluhan.

"Hindi kita maintindihan. Sabihin mo na lang sa akin ang nais mong sabihin kapag nakaalis na tayo rito at nakabalik na sa Aurorium. Hindi ka ligtas dito,” saad niya.

She tries to get me up, but I can't. It's like I've used up all my energy and have nothing left. Even my two knees are shaking and it's like they've turned to jelly. As in wala akong lakas.

“Lady Ruelle, itakas mo na ang prinsesa!" Isang boses lalaki ang narinig kong sumigaw. Hindi ko ito mahagilap, hindi ko alam kung saan galing ang boses na 'yon. Pero naririnig ko ang ingay na galing sa mga espada.

Nakasandal lang din ako sa malaking puno, hindi ko rin magawang igalaw ang katawan ko. Nararamdaman ko rin na may masakit sa bandang tiyan ko. Nang kapain ko ‘yon ay may hapdi akong naramdaman. May dugo rin akong nakita at nakapa.

I cursed in my mind. Kung hindi ito purgatoryo, eh nasaan ako? Bakit may sugat ang tiyan ko samantalang nahulog ako sa dagat at nalunod?

“Halina't parating na naman sila!” hintatakot na sigaw ng babae.

Sino ang tinutukoy niya? Bakit nabahiran ng takot ang kanyang mukha?

Nasagot naman agad ang katanungan ko nang marinig ko na may umalulong. Malakas ‘yon at nakakapangilabot. Nakatitiyak ako na hindi ito galing sa isang simpleng hayop.

Natanaw ko ang mga kakaibang nilalang mula sa ‘di kalayuan. Agad akong natakot sa taglay nilang itsura, nagtaasan pati mga balahibo ko sa katawan. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong anyo na hindi pangkaraniwan.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Where stories live. Discover now