V

320 129 24
                                    

ELVIRA ANDERSON

Hindi ko na lang pinansin ang ingay na naririnig ko sa labas ng kuwarto. Rinig ko rin ang pagtatalo nina Dad at Adel, pero ang mas nakaiinis sa lahat ay ang pagsagot ni Adel sa kanyang ama. Wala na talaga siyang galang sa magulang niya.

Nalaman kasi nina Dad ang ginawa ni Adel sa ‘kin sa school. Nagsabi ang aming school dean kaya heto, galit na galit si Dad at pinagsasabihan ang kanyang anak, ngunit ito namang si Adel ang nagagalit. Ako pa ang sinisisi niya kung bakit niya nagawa ang bagay na ‘yon.

I sighed.

Nagtungo na ako sa walk-in closet para magbihis. Katatapos ko lang maligo at ngayong gabi na ang pagpunta namin sa birthday party ni Almira na gaganapin sa Lumina Cruise. Nagsuot lang ako ng dress na kulay puti at hanggang tuhod ko ang haba.

It fits me perfectly, kaya sunod kong ginawa ay ang ayusan ang aking sarili. I put on make-up and did my hair to look neat and tidy. Nang makuntento ako sa itsura ko ay sinuot ko na ang aking high heels.

I check myself in the big mirror. Bagay sa akin ang suot kong dress at mas lumitaw pa ang aking ganda kahit na light make-up lang ang nilagay ko sa aking mukha.

Nawala ang atensyon ko sa salamin nang may kumatok sa pintuan.

“Elvira, anak?” Boses 'yon ni Mommy Mabel. Pinagbuksan ko naman siya agad ng pintuan.

“Wow, you look gorgeous, hija." Ang mga katagang 'yon ay agad na nagpangiti sa akin.

“Binola mo naman po ako, Mommy.”

Tinawanan niya ako at hinawakan ang dalawa kong kamay.

“Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba ni Adel?" nag-aalala niyang katanungan.

Umiling naman ako. “Hindi naman po.”

“Pagpasensyahan mo na ang kapatid mo. Talagang hindi na siya natuto, lagi ka na lang niyang pinag-iinitan. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang ‘yon. Habang tumatagal ay mas lalo lang siyang lumalala,” namomroblema niyang turan kaya nginitian ko siya at mahinang pinisil ang kanyang kamay.

"Ayos lang po, mom. Palagi ko naman po na pinagpapasensyahan si Adel kahit po na ipahiya pa niya ako sa harap ng maraming tao,” I said.

Hindi ako nagpapaawa kay Mommy Mabel. I just stated the facts, dahil hindi naman lingid sa kanilang kaalaman ang ginagawa ni Adel sa akin sa school.

Tulad na lang ngayon, tumawag ang school dean namin dahil nakita sa CCTV footage ang ginawa nina Adel at ang mga kaibigan niya sa akin. Mabuti na lang talaga ay mabait ito at wala rin siyang kinakampihan.

Nagalit lang siya dahil nagkalat ang mga ipis, daga at palaka sa buong school dahil sa kagagawan nina Adel. The school dean will probably give them a heavy punishment.

But Adel, she never misses a day to bully and humiliate me in front of many people. Sa ganoong paraan niya ipinapakita na ayaw niya sa akin at never niya akong matatanggap bilang kapatid niya dahil nga ampon ako.

"Nagsabi na pala ako kina Mr. Romualdez na mali-late tayo. Pahupain na muna natin ang init ng ulo ng Daddy Leonard mo. Alam mo na, napagsabihan na naman niya si Adel," mahinahon niyang wika na ikinabuntong hininga ko.

"Naiintindihan ko po. Willing naman po ako maghintay. Sabihan niyo na lang din po ako kung aalis na po tayo," magalang kong sagot.

Tumango si Mommy. “Magbibihis lang din ako at mag-aayos. Hihintayin na lang din natin si Adel dahil hindi pwede na hindi siya kasama.”

Nakangiti ko lang siyang tinanguan bilang sagot. Humalik lang din ako sa pisngi ni Mommy bago siya nagtungo sa kuwarto nila. Sinara ko na ang pintuan at naupo sa tapat ng aking study table. Inaayos ko ang mga dadalhin ko nang tumunog ang cellphone ko.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Where stories live. Discover now