IV

419 144 48
                                    

THIRD PERSON POV 」

SHADOWS OF LUMINA
KABANATA XVIII | Pahina 318
By: Mortimer Graves

"Commander Deimos," banggit ni Lady Ruelle sa pangalan ng taong nagsalita bago siya yumuko bilang paggalang sa nakatataas sa kanila.

"Patawad, Prinsesa Liora. Tinakot po ako ni Commander Deimos kapag hindi ko sa kanya sinabi kung saan ko dadalhin ang mga kabayo," muling salita ni Davy.

"Huwag kang humingi ng tawad, wala kang kasalanan," malumanay niyang sagot bago niya hinarap si Commander Deimos.

Kaya pala maraming mga kabayo rito ay dahil kasama nito ang ilan sa mga kapwa niya mga kabalyero, habang suot pa rin nila ang kanilang eskudo de armas.

"Napag-alamanan ko na lumalabas ka ng Aurorium. Hindi ba't pinagbabawalan ka na lumabas ng kaharian?"

"May mahalaga akong pupuntahan, Commander Deimos. Ito na rin ang huli kong paglabas ng Aurorium, kaya hinihiling ko na sana'y huwag mo akong pigilan. Nakikiusap din ako na huwag mo itong ipaalam kina Amang Hari."

"Pero delikado kung lalabas ka."

"Sa Silverbrook lang naman ako pupunta, makikipagkita lang ako sa isang magaling na manghuhula."

"Pero paano kung malaman ng mga Erebos na nasa labas ka ng kaharian? Alam mo rin na hindi ka maaaring abutan ng sikat ng araw," anito, nahihimigan niya sa tinig nito ang pag-aalala.

Erebos, 'yon ang tawag nila sa mga may madilim na pwersa. Sila ang dark forces na nagnanais na manakop at maghasik ng kaguluhan at kasamaan sa Aurorium.

Madalas silang nagtatago o naninirahan sa dark forest, ang Alameth Forest. Noon ay naririnig lang niya sa mga kuwento na ang mga Erebos ay dating mga Lumins na nakagawa ng malaking kasalanan ngunit sila'y sinumpa at pinarusahan ni Bathala.

Ngunit nakasisiguro sila na may namumuno sa mga Erebos at nakatitiyak sila na isa itong demonyo na nagnanais na angkinin ang trono ng kanyang ama.

"Alam ko na delikado, pero pangako, huli na ito. Hindi na ulit ako lalabas ng kaharian. Kailangan ko lang talagang makausap si Ahvi," pangako niya.

Ilang minuto na nagtalo ang isip ni Deimos. Tiyak na sila rin ang mapaparusahan kapag hinayaan lang nila si Prinsesa Liora na lumabas.

Pero nakikita naman niya sa ginintuang kulay kape nitong mga mata na desidido ito. Ang mata niyang maganda, nakakaakit tingnan at nangingislap sa ganda, na para bang nagniningning ito tulad ng araw at tila sumisimbulo ng pag-asa.

"Alam n'yo na walang sinuman ang maaaring tumutol sa aking kagustuhan, 'di ba?" Sumeryoso na ang boses ni Liora at may halo na rin itong awtoridad.

Agad na umaayos ng tayo ang mga Aurorian na kasama ni Commander Deimos. Gano'n din sina Lady Ruelle at Davy.

Huminga nang malalim si Deimos.

"Sasamahan ka namin sa pupuntahan mo. Bilang isang komandante ng Aurorian, at 'yong tagapagtanggol ay nararapat lang na samahan kita kahit saan ka magpunta," wika niya.

Deimos swore that he would protect the princess at all costs. Kahit pa na ikamatay niya, dahil isa iyon sa ipinangako nilang mga Aurorian. They all swore that they would keep the princess from harm. Handa silang lumaban at makipagpatayan, alang-ala para sa prinsesa.

"Sige na, magsisakay na kayo sa mga kabayo ninyo. Sasamahan natin ang prinsesa sa kanyang pupuntahan," seryoso niyang utos sa kanyang mga kasamahan.

Tumalima ang mga ito at agad na sumakay sa kani-kanilang mga kabayo.

The Cursed Princess (Resurrection Series #3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz