Chapter 198: The Opening

3.1K 296 148
                                    

X: #HunterOnline or mention me @reynald_20

Hunter Online is still available for only 275 pesos, go to Psicom online shop page and grab your copy now! It will be available in bookstore soon :)

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated.

KAHIT pala ilang beses kong sabihin sa sarili ko na ready ako at ilang beses ko nang naranasan ang mga tournament ay nakakakaba pa rin pala talaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KAHIT pala ilang beses kong sabihin sa sarili ko na ready ako at ilang beses ko nang naranasan ang mga tournament ay nakakakaba pa rin pala talaga. Finally, it is the start of the first Hunter Online International Tournament. Laman na rin ito ng iba't ibang news outlet at ang buong gaming community ay nakatutok na sa kung anong mangyayari sa tournament.

As the Captain of Yugto Pilipinas, I can't even show na sobrang kinakabahan talaga ako para rito. Baka mapasa ko 'yong energy sa mga members ko. Nage-gets ko na talaga si Axel noong nasa Battle Cry ako, this is not an easy position. Ang Captain position ay para talaga sa mga taong strong ang mentality.

Nakasakay na kami ng van papunta sa OCBC Arena. May mga nakita na kaming mga naglalakad na nakasuot ng mga Hunter Online merch. "Lord huwag sana ako magkamali sa mga match ngayong linggo, amen." Narinig ko pa si Noah na nagdadasal na katabi ko sa upuan.

"You work hard for this." I assured to him. Bago lang siya sa Esports pero marami nang pinatunayan si Noah.

"Ayokong umuwi ng Ilocos na katatawanan ang laro ko rito Captain. Gagawin kong proud sila Mama. Pinayagan nila akong i-pursue 'tong Pro scene, ayoko silang madisappoint." Noah sincerely said to me. Grabe at the young age ay marami na talaga siyang gustong patunayan.

"Kapag nakita nila ang mukha mo sa TV na binabalita sa national tv, you made them proud already." Sabi ko sa kaniya.

"Alam mo kung bakit malalagay ka sa news? Kasi gagawa ka nang kahihiyan mamaya." Biro ni Callie na nasa kabilang side ng Can.

"Epal ka, threaten ka lang sa akin kasi ako na ang magiging pinakamalakas na player balang-araw." Ganti ni Noah sa kaniya.

"Nangarap ka na naman batang may yabang. Hangga't may Callie sa mundo ng esports, hindi ikaw ang magiging pinakamalakas." Callie flexed his biceps to annoy Noah more.

"Coach, oh! Si Kuya Callie nambubuwisit na naman!" Sumbong ni Noah na ikinatawa namin.

"Dami ninyong energy, siguraduhin ninyo lang na sa loob ng mga matches ay ganiyan din kayo mamaya." Paalala sa amin ni Coach Harrisson.

Noong malapit na kami sa OCBC Arena ay kita na namin ang mahabang pila ng mga tao. Mostly ay mga nakasuot sila ng mech ng Singapore team (as usual, baluarte nila). Lalong lumakas ang kabig ng dibdib ko, okay this is it, our journey to international scene will start now.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon