Chapter 91: Date Night

12.1K 1.2K 648
                                    

TINANGGAL ko ang nerve gear ko at nakipag-apir sa mga ka-team ko matapos ang laban

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TINANGGAL ko ang nerve gear ko at nakipag-apir sa mga ka-team ko matapos ang laban. It was an intensed fight against the Dark Sonata and I am glad that we managed to outsmart them. Grabe! Unang laban pa lang ito ngayong qualifiers pero pakiramdam ko ay ang competitive ng mga ibang teams sa Hunter Online.

"Nice game!" Callie said at nakipag-apir sa akin. "Elvis, nice trade."

Lahat kami ay nagpapalitan ng apir sa boothcamp dahil maganda naman talaga ang laro na ipinakita ng lahat.

"Huy, Elvis!" Tawag ko sa kaniya. "Sorry, kailangan mo pang ma-eliminate sa game para lang maisagawa ang plano natin." Paghingi ko nang tawad.

Tumawa si Elvis. "Okay lang, Milan, wala na rin naman tayong choice noon. It was a good decision tho, ang ganda ng outcome."

Lumapit ako kay Dion at umakbay ito sa akin. "Magaling na player 'yan?" tanong niya habang natatawa at ginulo ang buhok ko. "Nice game, nice game. Galing."

"Huy, ang hirap kaya nang ginawa ko! Isipin mo ang layo nang tinakbo ko at maraming members ng Dark Sonata ang humabol sa akin." paliwanag ko sa kaniya.

"Kaya nga. Proud ako sa 'yo." He said again. Wow, hindi ko alam na sa simpleng proud ako sa 'yo ay kikiligin na ako. I mean, I love it when he appreciated 'yong mga maliliit na bagay na ginawa ko mapa-game man o sa totoong buhay.

Bumaba na sina Sir Greg at Coach Russel mula sa second floor na may malaking ngiti sa kanilang mga labi. Hindi kasi puwede na makita sa gaming area ang coaches during matches dahil kung mangyari iyon ay madu-disqualified kami. Mah CCTV cameras na in-install ang Tournament Organizers kung kaya't nalalaman nila ang nangyayari sa boothcamp reel time.

"Nice game, guys!" sigaw ni Coach at nakipag-apir sa aming lahat. "Ang bilis mo mag-isip ng plano kanina Elvis. Very good."

"Oh reset lang tayo. Tuloy-tuloy pa rin ang match natin for the whole month. Tandaan ninyo, kailangan nating manalo sa mga laban natin upang masigurado na makakapasok tayo sa Season four tournament. Maliwanag ba?" Tanong sir Greg.

"Yes, Sir!" We answered in unison.

Reset ang term na ginagamit namin para mabalik kami sa focus sa game. Hindi kami dapat matuwa masyado kapag nananalo kami o kaya naman ay malungkot ng sobra kapag natatalo. After the match, we need to reset our emotion para hindi kami mawala sa focus.

"Callie, tumatawag nga pala ang magulang mo sa akin. Hindi mo daw sinasagot ang tawag nila. Contact them as soon as possible." Sabi ni Sir Theo kay Callie.

"Sorry, Sir, na-busy lang sa practice at sa game. Tawag ako agad sa kanila." Lumabas si Callie habang hawak ang kaniyang phone. Totoong nakaka-busy itong paglalaro (I am sure ganoon din sa mga susunod na araw) kasi kahit ako ay inaabot ng ilang ring bago ko masagot ang tawag nila Mom at Dad. They understand it naman lalo na't crucial part ng tournament itong qualifiers.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon