Chapter 149: Fruit of Hardwork

4.6K 404 95
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

If you can share this story to wattpad pages, group, and Tiktok that will be really helpful. Thank you and enjoy!

"MILAN, how did you come up with this plan at nagawa ninyong matalo ang Daredevils?" Tanong sa akin ng isang press from Philippine Star

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"MILAN, how did you come up with this plan at nagawa ninyong matalo ang Daredevils?" Tanong sa akin ng isang press from Philippine Star. Nagkaroon kasi kami ni Thaddeus ng post match interview.

Kinuha ko 'yong mic na nakapatong sa lamesa. Sunod-sunod na flash ng camera ang tumama sa aking mata. "Actually it is not my plan, ayoko naman pong maging credit grabber dahil itong laban po namin against Daredevils ay si Callie po talaga ang nag-lead sa amin. He is the one who decided na gawin na si Dion ang keyholder SECRETLY para manalo kami."

"So walang nakakaalam sa inyo na si Dion ang keyholder ng team ninyo?" pahabol niyang tanong.

"Yes po, actually, the moment na nawala na si Callie sa game ay tinanggap ko na pong talo kami. I mean, for a rookie team like Orient Crown ay hindi masama ang umabot kami hanggang Semifinals." The other people in this room nodded. "Pero nagawa niya pa pong baligtarin ang sitwasyon dahilan para kami po ang umabanse para sa match bukas." I explained.

"Hindi ba kayo parang nahu-hurt no'n kasi parang totoo ang sinasabi ng mga tao na Callie and friends lang ang team ninyo? Kasi sabi mo nga si Callie ang nag-isip ng plano para sa inyo and the mere fact na hindi niya sinabi sa inyo ang pinaka plano niya ay ipinapakita lang nito na wala siya gaanong tiwala sa inyo?" tanong naman ng isang press from Chika magazine.

Napatingin ako kay Sir Theo and 'yong mata niya parang tinatanong kung kaya kong sagutin iyon or kailangan niyang sumingit sa usapan. Kasi isang maling sabihin ko lang ay pagmumukhain na akong masama ng ganitong klaseng press, eh.

I sighed. "Ano naman po kung Callie and friends ang bansag sa aming Orient Crown? I mean gumana naman po 'yong plano so I don't see any problem with that." I explained. "At the end of the day, totoo naman po na binuhat kami ni Callie in that match pero tanggapin man po o hindi ng mga basher, kasama po kami ni Callie na aabanse for the next round." Matapang kong sagot, bahala na siya kung pagmumukhain niya akong maldita.

"Okay, thank you for answering our question, Milan. How about Thaddeus? What do you feel na ito na ang pinakamababang place ang natanggap mo sa buong career mo sa pro-scene?" Inabot ko kay Thaddeus ang mic.

"Uhm. Like Milan said, being able to be in top 4 is already a big thing for us. There is panghihinayang because we prepared so much for this tournament but we can't invalidate other team's preparation din naman." I nodded as he answer. "Also, we gave our best. We didn't slackoff during the match. We are happy to be defeated by Orient Crown."

"Pero may haka-haka na kumakalat sa gaming community na baka mag-quit ka na raw sa paglalaro. Gaano katotoo iyon?" tanong noong press at napatingin ako kay Thaddeus.

"Supposedly, this is my last season IF we won. But unluckily we lost. Gusto ko pang lumaro sa season 5 para i-prove na may ibubuga ako." Thaddeus explained.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now