Chapter 30: Professional Match

11.6K 1.2K 684
                                    

"BAKLA ka, na-miss kita!" Malakas na sigaw ni Shannah at mahigpit niya akong niyakap pagkakita niya sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"BAKLA ka, na-miss kita!" Malakas na sigaw ni Shannah at mahigpit niya akong niyakap pagkakita niya sa akin. Alam kong isang linggo lang kaming hindi nagkita pero 'yong fact na ang layo ko sa kanila this time ay parang na-miss ko talaga sila ng sobra.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa suot kong damit. "Ay, taray, Battle Cry member na talaga ang Lola ninyo."

Lumapit din sa akin sina Trace. "Napakaangas naman nitong kaibigan natin." Nakangiting sabi ni Clyde.

"Ganda ng jersey, ah!" Puri naman ni Trace.

"Para kayong tanga, nakakahiya tuloy sa ibang tao. Pinagtitinginan tayo." Reklamo ko sa kanila at tumawa lang sila. Naglakad kami patungo sa gilid ng third floor at pinagmasdan ang mga players na nagpe-prepare para sa match mamaya.

Pinagmasdan ko ang Battle Cry. Kinakausap sila ni Coach Robert para sa magiging plano mamaya.

"Ang ganda ng Lineup sa 5v5 match na 'to. Sayang lang wala rito ang Black Dragons na mayayabang." Sabi ni Clyde habang nakatanaw sa ibaba.

"Huh? They are here." Sagot ko sa kanya at napatingin silang apat sa akin nila Tomy. "W-What?"

"Nandito ang Black Dragons?! Bakit hindi mo kami sinabihan? Sayang, e 'di sana nakapagpa-picture kami sa Season 3 champion ng Hunter Online!" Paliwanag ni Trace sa akin.

"Hindi ko naman alam na gusto ninyo ring magpa-picture sa kanila. Lagi ninyo kasing bina-bash ang Black Dragon sa tuwing natatalo nila ang Daredevils."

"Ka-bash-bash naman talaga ang ugali nila," ani Tomy. "Pero hindi maipagkakaila na magagaling silang players. Napanood mo naman ang laro nila last season, ang lupet." Which is really true, magkakasama kaming pinanood 'yon.

"Sure akong makikita naman natin sila later, sabi nila sa akin manonood daw sila ng match ngayon." Paliwanag ko sa kanila.

Bumaba muli ang tingin namin sa venue. "Iba talaga ang awra ng Daredevils at Phantom Knights kahit mga substitute players lang nila ang lalaro ngayon." Sabi ni Clyde.

Napatingin ako sa kanila. Oo nga, they are more relaxed and nagagawa pa nilang magbiruan. Samantalang sila Captain Axel ay seryosong nag-uusap.

"Isa sa inaabangan kong laban ay ang laban ng Battle Cry at Laxus Familia." Trace said. "Sana magkatapat sila sa araw na ito. Gusto kong makita kung makakabawi ang Battle Cry sa kanila."

Oh, ngayon ay alam ko na kung bakit uneasy sila Dion ngayon. Ang Laxus Familia ang naging hadlang sa kanila sa qualifiers. Masakit sa ego nila panigurado kung matatalo sila ulit nito.

Para sa mga normal na manonood na game, wala naman dapat katakutan sa Laxus Familia since nagagawa silang matalo ng ibang teams. Pero sa aming Battle Cry... Isa silang malaking threat.

"Kaya nila Dion 'yan." Seryoso kong sabi sa kanilang apat. "Nakita ko kung paano sila mag-practice sa competition na ito. Sila ring lima ang pinakamagaling na players ng Battle Cry. Mananalo sila." Seryoso kong sabi habang nakatingin sa ibaba.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now