Chapter 39: Battle Cry Vs. Sparks Again

11.1K 1K 790
                                    

Twitter: #HUNTERONLINE

"PLEASE welcome, Anonymous Warrior!" Malakas na sigaw noong shout caster at nakapilang lumabas ang Anonymous Warrior mula rito sa Backstage

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"PLEASE welcome, Anonymous Warrior!" Malakas na sigaw noong shout caster at nakapilang lumabas ang Anonymous Warrior mula rito sa Backstage.

"Good luck guys!" Malakas na sigaw naming lahat at nakipag-apir sa kanila.

Noong nakalabas na sa Skydome ang Anonymous Warrior ay dinig na dinig mula rito sa Backstage ang malakas na sigawan ng mga tao. Hindi naman ako 'yong tipo ng tao na madaling kabahan pero iba ngayon... Para bang naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko.

"Kinakabahan ka?" Lumapit sa akin si Dion at inabutan ako ng Bottled Water.

I accepted the water at uminom nang ilang lagok.

Pinakita ko sa kanya ang pasmado kong palad. "Hawakan mo 'yong kamay ko. Ang lamig." Hinitak ko ang kamay ni Dion at pinahawak ang aking palad. "'Di ba?" Nakangiti ko pang tanong.

"Next team! Devil Inside!"

Lumbas na ang Devil inside sa backstage. The emcee are just calling teams randomly so hindi ko alam kung kailan kami matatawag.

"Ipapanalo natin ang first game." Sabi ni Dion.

"First game lang?" Nakangisi kong tanong. "How about the second game? Third game? Fourth game?"

"Ipapanalo din natin 'yon."

Tumawa ako. "Ayan. Ganyan dapat."

Naputol ang usapan namin ni Dion noong naglakad papalapit sa amin si Sandro (Captain ng ALTERNATE). May isang player siyang kasunod na mestizong lalaki na may kulay ash gray ang buhok at nakasuot ng braces.

"Yoh, Million." Bati sa amin ni Sandro.

"Gago." Sagot ni Dion sa kanya at nakipag-apir dito. I shaked my hands with Sandro since namumukhaan namin ang isa't isa noong Tournament sa Malolos.

"Joke lang, galit agad, eh." Natatawang sabi ni Sandro at hinatak niya papalapit ang kasama niya para mas makausap namin. "Gusto ka nga palang ma-meet ni Oppa Larkin."

Nagulat ako at namangha at the same time dahil kausap ko na ngayon ang taong nagturo sa akin sa pagiging Striker Class. Honestly, ang laking tulong sa akin ni Larkin dahil ang dami niyang technique na itinuro sa akin na wala sa mga gameplay sa youtube.

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay. "OMG, It's nice meeting you." Natutuwa kong sabi.

"Nice meeting you din, Milan. Good luck, unang laban kayo." Nakangiti niyang sabi sa akin. "Abangan ko mga moves mo."

"Bench player nga ako. Kapag napasok ako haha!" natatawa kong paliwanag sa kanya.

"Ano 'yang pinag-uusapan ninyo?" Biglang lumapit si Oli at nag-picture kaming lima gamit ang phone niya. Ima-myday niya raw.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now